top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Setyembre 2, 2022 (Biyernes)

BULGAR
Sep 2, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 2, 2022


Sa may kaarawan ngayong Setyembre 2, 2022 (Biyernes): Huwag mong pigilan ang iyong sarili na tulungan ang mga lumalapit sa iyo dahil ikaw mismo ay nilikha bilang sanga ng mga biyaya. Ang papel mong ito sa lupa ang dahilan kaya ka pinagpapala.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mapalad ang araw na ito para sa iyo upang ayusin ang gusot sa isang tao na sa totoo lang ay malapit sa buhay mo. Tatanggap ka ng biyaya kapag nagkaayos kayo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-19-20-28-30-31.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Simulan mo na ang pag-iipon para sa malaki mong ambisyon. Umaayon sa iyo ang gulong ng kapalaran, kaya puwede kang makapag-ipon nang higit sa iyong kailangan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-21-25-26-37-40.

GEMINI (May 21-June 20) - Minsan ka nang nag-alinlangan, pero ituloy mo pa rin ang plano mo at tiyak na makukuha mo ang gusto mo. Ngayon at sa mga araw pang darating, ‘wag mong pansinin ang iyong pag-aalinlangan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-16-17-20-24-36.

CANCER (June 21-July 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Nagpasya ang langit na kung ano ang magiging kahilingan mo, Siya ay gagawa ng paraan upang matupad ito kahit may pagkaimposible itong mangyari. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-15-16-25-27-35.

LEO (July 23-Aug. 22) - Iiral sa iyo ngayon ang kabaitan na kahit ang nakagawa sa iyo ng paulit-ulit na pagkakamali ay iyo pa ring tutulungan. Hahanga sa iyo ang langit at ikaw ay biglang bubuwenasin. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-16-18-20-24-27-28.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Babagal ang ikot ng gulong ng iyong kapalaran. Huwag kang mabahala dahil pinalalagpas lang ang mga sagabal sa iyong suwerte. Pagkatapos nito, tuloy-tuloy kang bubuwenasin at magkakaroon ng maraming biyaya at kaligayahan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-20-23-25-37-38.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Papasok sa kapalaran mo ang mga may dalang suwerte sa buhay mo at ang iba sa kanila ay hindi mo gaanong gusto, pero ang payo ay nagsasabing, huwag kang tumanggi sa mga tao. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-14-16-22-27-38.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang mag-alala kapag nakaranas ka ng hindi maganda dahil sa araw na ito, ang mga hindi maganda sa paningin mo, sa totoo lang ay may dalang kakaiba at malalaking suwerte para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-21-29-33- 35-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Angat na angat sa araw na ito ang kabutihang ipapamalas mo. Tatanggap ka ng mga papuri at parangal na may kalakip na malaking halaga. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-23-26-28-30-31.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kumuha ka ng mga aral sa buhay mula sa naranasan mong pandaraya sa iyo ng mga tao. Higit kailanman, ngayon mo magagamit ang mga aral na natutunan mo sa nakaraan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-19-26-27-38-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kahit labag sa loob mo, tulungan mo pa rin ang malapit sa puso mo. Nakamasid sa iyo ang mga mata ng langit na handang bigyan ka ng biyaya dahil sa kabaitan mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-13-25-28-38-39-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Umagwat ka muna sa kinaiinisan mo. Mahirap paniwalaan, pero may mga taong nagnanakaw ng suwerte. Gayunman, inaayos ng nasa itaas ang para sa iyo. Habang may nang-iinis sa iyo, mas maraming biyaya at magagandang kapalaran ang ihuhulog ng langit. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-16-20-21-25-39.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page