Horoscope | Setyembre 29, 2026 (Martes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 29, 2026

Sa may kaarawan ngayong Setyembre 29, 2026 (Martes): Pagpapalain ka dahil sa kahanga-hangang kabutihan mo. Ang mga pananamantalang ginagawa nila sa iyong kabaitan ay magiging sanhi ng mas marami pang biyaya.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Dito sa mundo, ang kumikilos ay umuunlad at ang walang pagkilos ay katumbas ng kawalang-asenso. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-10-22-29-34-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nagbabala ang iyong kapalaran na kapag hindi mo nakontrol ang pagiging maawain mo sa ibang tao, darating ang mga araw na ikaw ay magigipit. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-8-24-28-31-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Iwanan mo na ang nakaraan. Ang mga nakaraang pagkakamali at mga pagkukulang ay huwag mo nang tutukan dahil higit na mahalaga ay ang pagsasaayos ng iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-14-22-30-32-45.
CANCER (June 21-July 22) - Saksi ang mga mata mo sa nagdaang mga araw na ang mahiyain ay hindi gaanong nagiging masaya. Kaya ang pagiging mahiyain mo ay ‘di makakaganda para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-11-17-29-31-36.
LEO (July 23-Aug. 22) - Sikapin mong tuparin ang mga ipapangako mo sa sarili mo. Kahit hindi mo kaya, ang mahalaga ay may pagbabago sa buhay mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-10-12-28-30-38.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dito sa mundo, ang buhay ay isang pakikipagsapalaran. Kaya nga sinasabing walang kabuhay-buhay ang mga takot harapin ang mga hamon ng kapalaran. Kaya, ‘wag kang matakot dahil habang hinaharap mo nang mukhaan ang mga pakikipagsapalaran, lalo kang susuwertehin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-16-20-24-33-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit mahirap isagawa ang mga plano mo, gawin mo pa rin nang may saya. Huwag kang tumulad sa iba na sobrang seryoso na kapag nabigo ay sobra ding nasasaktan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-13-18-25-34-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pagbabago ang hangad ng mundo, lalo na ng mga sawi sa buhay. Ito rin ang hangad mo, hindi ba? At ang pagbabagong darating sa buhay mo ay may kasamang suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-12-19-24-26-37.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tutok ang kailangan mo, lalo na sa panahong ito na bagsak ang kabuhayan ng bansa at ang ekonomiya. Huwag mong kakalimutan na ang hindi tumutok sa pagkakataong yumaman ay nagsisisi sa huli. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-17-25-33-39-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong sayangin ang iyong oras sa social media. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-11-18-24-38-43.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hayaan mo silang umalis, dahil muli rin naman silang babalik. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-1-16-19-29-36-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ka makikinig sa payo na ikaw ay mamahinga. Ang pakikinggan mo ay ang iyong mga paa, na siyang magdadala sa iyo sa mismong harapan ng iyong magiging kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-11-18-20-28-34.



Comments