Horoscope | Setyembre 18, 2026 (Biyernes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 18, 2026

Sa may kaarawan ngayong Setyembre 18, 2026 (Biyernes): Ibibigay sa iyo ang katuparan ng iyong mga ambisyon. Kaya ikilos mo na ang iyong mga kamay at paa upang mapasaiyo ang lahat ng ito.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lakas ng loob ang magsisilbing susi upang mabuksan ang iba’t ibang uri ng oportunidad na maaaring magpayaman sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-19-24-29-34-44.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sukatin mo ang taong kaharap mo! Hindi lamang damit ang sinusukat at inaalam kung bagay sa iyo. Sinusukat at inaalam din ang mga taong nagpapakita ng interes sa iyo, lalo na ang mga taong makakasama mo sa buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-11-17-28-33-36.
GEMINI (May 21-June 20) - Mahirap kang angkinin. Ito ang isa sa mga sikreto ng iyong kapalaran na magbibigay-sorpresa sa mga taong nagiging bahagi ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-14-22-32-37-41.
CANCER (June 21-July 22) - Labanan mo ang iyong emosyon. Maraming diskarte ang nasisira dahil hindi nakokontrol ng ilan ang kanilang damdamin. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-15-19-21-29-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang magpapagamit sa mga makasarili. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-16-24-27-38-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bawat tanong ay may sagot. Pero hindi kailangang puro tanong at sagot ang gawin mo. Ang kailangan mo ay kumilos nang kumilos. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-14-20-28-30-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakauwang sa landas ng buhay na iyong nilalakaran ngayon ang maraming tukso. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-16-18-24-26-35.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang maghanap ng kapalit sa nawala. Sa paghahanap mo, maaaring hindi tama ang iyong makita. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-11-19-27-31-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nakamasid sa iyo ang langit, hinihintay na makita kang nakatutok sa iyong mga pangarap. Hindi ka na mahihirapan tulad ng iba dahil mabilis nang matutupad ang iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-15-21-26-38-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sa isang kisapmata, maaaring magbago ang iyong buhay. Pero mangyayari lamang ito kung tatanggapin mo na ang tapos na ay tapos na. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-1-13-28-32-35-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi nauubos ang bukas. Ang nauubos ay ang ningas ng pag-asa ng tao kapag inakala niyang bigo na siya. Tumindig ka at harapin ang marami pang bukas na naghihintay sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-10-14-23-30-33.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Aalalayan ka ng taong gustong magtagumpay ka. Gayunman, ikaw pa rin ang pangunahing gaganap sa pagguhit ng kasaysayan ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-9-17-26-37-44.



Comments