Horoscope | Setyembre 17, 2026 (Huwebes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 17, 2026

Sa may kaarawan ngayong Setyembre 17, 2026 (Huwebes): Positibong pananaw ang sikreto ng iyong kapalaran. Sa pamamagitan nito ang mga suwerteng darating sa buhay mo ay matutulad sa isang punong matatamis ang bunga.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kumapit ka sa mga nauna mong plano upang makaasa ka na ang kaunlaran ay tiyak na makakamit mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-21-29-30-37-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hinahon ang dapat iharap sa mga nagagalit na mali naman ang katuwiran. Sa huli, kusa niyang matatanggap na wala siya sa lugar. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-19-23-31-38-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Malalaking pagsubok ang iyong kinakaharap. Magkagayunman, magpakita ka lang na buo ang iyong loob, ang mga ito ay isa-isa na ring maglalaho. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-11-22-26-34-39.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi pa ngayon kukupas ang mga suwerte mo. Bagkus, mas lalo itong titingkad. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-15-18-27-35-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Tumulong ka sa nangangailangan. Ito ang utos sa iyo ng langit. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-14-17-25-31-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tutukan mo ang mga aktibidad na puwede kang kumita ng malaki. Samantalahin mo ang magandang pagkakataong ito na ipinagkaloob sa iyo ng langit. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-5-13-22-26-36-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kumilos ka ayon sa gusto mo, at huwag ka nang magkunwari. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-15-24-29-33-39.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magdaratingan na ang magagandang kapalaran mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-8-12-22-31-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag na huwag kang matutukso sa mabilisan pagpapayaman. Kadalasan, ang mga nagmamadali ay nadadapa at nasusugatan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-17-21-32-28-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mas dadami ngayon ang pagkakataon mo upang mas umangat. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-11-23-29-37-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Napakabilis mo ngayon. Gayunman, mas makabubuting bagalan mo ang pagkilos mo, nang sa gayun ay masapo mo ang pinakatama mong dapat gawin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-18-20-25-33-35.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Aanhin mo ang saya kung panandalian lamang? Piliin mo ang landas ng buhay kung saan mabubunga ang iyong pagsisikap ng panghabambuhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-13-20-27-30-42.



Comments