Horoscope | Nobyembre 2, 2026 (Lunes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | November 2, 2026

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 2, 2026 (Lunes): Hindi ka mauubusan ng mga suwerte dahil parang ilog na walang katapusan ang mga biyayang inilaan para sa iyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tatalunin ka muli ng iyong damdamin. Pero wala kang dapat ipag-alala dahil ang ganitong pangyayari ay paalala lamang na nagtataglay ka ng malambot na puso. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-12-16-20-34-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong talikuran ang iyong mga obligasyon. Gaya ng narinig mo, ang mga pagsubok ay ibinibigay dahil alam ng langit na kakayanin ito ng mga taong binibigyan nito. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-14-18-21-27-30.
GEMINI (May 21-June 20) - Kung ano ang naging pasya mo, iyon ang sundin mo! Anumang pagbabago ng isip ay hindi na makakabuti para sa iyo at lalo lamang magpapalaki sa problemang kinakaharap mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-17-19-25-36-38.
CANCER (June 21-July 22) - Ang munting kaloob mo sa iyong kapwa ay makikita mong lalaki. Sobra kang sasaya dahil hindi nasayang ang iyong ibinigay at ginagamit pa ito upang makatulong sa pag-unlad ng iba. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-11-18-24-26-34.
LEO (July 23-Aug. 22) - Pinagpapala ang maawain, kaya mas pagpapalain ka ngayon dahil bihira ang taong makakagawa ng kabaitang ipinakikita mo sa iyong kapwa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-14-22-31-33-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Manahimik ka at sa iyong pananahimik ay bilangin mo ang mga pagpapalang sumasaiyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-15-21-27-29-39.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kasabay ng pag-awit ng mga anghel sa langit, mahuhulog sa iyong harapan ang mga suwerteng hindi mo aakalaing nakalaan pala para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-16-23-30-38-43.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Malakas ang buhos ng mga suwerte mo. Ihanda mo ang iyong sarili at magbawas ka ng mga bagay na hindi mo na kailangan upang magkaroon ng espasyo para sa mga bagong suwerte. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-14-25-35-39-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Muling mabubuhay ang mga katangian mo na naging sanhi ng iyong pag-asenso. Dahil dito, bibilis ang iyong pag-unlad. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-4-11-15-20-38-43.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tatamaan ka ngayon ng hindi nakikitang sinag mula sa mga nagkikislapang bituin sa langit. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-16-22-26-32-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Maaaring magpalit-palit ang init, lamig at kaunting ulan sa panahon ngayon, ngunit ang magbibigay sa iyo ng kakaibang pakiramdam ay ang mga ihip ng hanging may dalang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-14-18-25-34-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Palakas nang palakas ang mga suwerte mo, at hindi pa rin makakakilos ang mga lihim na naghahangad na ikaw ay mabigo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-17-29-31-33-44.



Comments