Horoscope | Nobyembre 1, 2026 (Linggo)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | November 1, 2026

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 1, 2026 (Linggo): Kabilang ka sa iilang masuwerteng nilalang. Kaya pahalagahan mo ang mga biyayang mapapasaiyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Munting saya ang dadapo sa iyo na kapag sinakyan mo, magiging kasinlaki ito ng bundok at sapat na para sumaya ang mga tao sa paligid mo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-2-11-23-30-33-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lagyan mo ng ngiti ang iyong mga labi kahit pa pakunwari. Gawin mo ito upang mabago ang takbo ng mga pangyayari. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-17-19-25-35-37.
GEMINI (May 21-June 20) - Isuot mo ang paborito mong alahas, dahil ito mismo ang magsisilbi mong panghatak ng mga suwerte. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-10-15-21-31-38.
CANCER (June 21-July 22) - Bubuhos ang mga biyaya sa iyong harapan. Gayunman, ‘wag ka agad matutuwa, dahil kailangan mo muna itong sunggaban upang hindi na makatakas. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-16-20-28-34-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Iyo ang araw na ito. Hindi na mahalaga kung ano ka at kung ano ang iyong pananaw. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-14-18-27-34-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mahirap maunawaan ang batas ng kapalaran, pero sa ngayon, ikaw na mismo ang magsasabi na nakakaumay ang saya at ligaya. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-11-23-26-30-33.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mo nang habulin ang taong wala nang balak bumalik. Bagkus, buksan mo ang puso't isip mo para sa mga bagong pagkakataon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-13-21-29-31-38.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nakikialam ang isip mo sa mga bagay na ang dapat masunod ay ang puso mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-17-19-24-28-39.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hayaan mong masunod ang taong binubuwenas. Magugulat ka, dahil kahit ang mga salita niya ay may suwerte ring dala-dala. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-11-14-20-32-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kumuha ka ng lakas ng loob sa isang malapit sa iyo na sugod nang sugod sa mga hamon ng kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-12-25-27-35-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Makibahagi ka sa mga pagsasaya. Maniwala ka man o hindi, sa pagsasaya magsisimula ang malalaking suwerte. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-13-16-26-36-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ngayon na ang eksaktong pagkakataon mo upang gawin ang mga bagay na takot na takot kang simulan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-11-10-25-30-33.



Comments