top of page
TALKIES - MAYOR VICO, UMAMING NEVER NAISIP MAG-SHOWBI-IG _vicosotto.jpg

Horoscope | Setyembre 18, 2023 (Lunes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 18, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 18, 2023


Sa may kaarawan ngayong Setyembre 18, 2023 (Lunes): Hindi ka mabibigo, at marami ka pang tagumpay na makakamit. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gawin mo sa abot nang makakaya mo ang iyong pinapangarap, upang sa gayun malalaking tagumpay ang mapasaiyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-18-23-28-34-40.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon mo mas higit na kailangang magplano para sa susunod na taon 2024. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-17-25-27-33-42.

GEMINI (May 21-June 20) - Patuloy kang malulungkot kahit na makadiskubre ka pa ng ilang paraan upang ika’y sumaya. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-19-21-29-34-39.

CANCER (June 21-July 22) - Ito ang araw na inuutusan ka ng langit na tumaya. Ibig sabihin, makipagsapalaran ka upang mapasakamay mo ang malaking suwerte. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-13-22-35-37-44.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ang dami mong naiisip gawin. Pero, hindi mo naman alam kung paano mo ito sisimulan. Ang dapat mong gawin ay pumili ng mga proyektong mayroong malalaking kita. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-14-19-25-40-45.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magturo ka! Ituro mo sa mga malalapit sa iyo ang natuklasan mong pagyaman. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-12-17-21-26-30-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi lang mga sakit ang nakakahawa, dahil mahahawa mo rin ng kakaibang personalidad ang mga taong malalapit sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-3-15-27-29-33-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mo silang pilitin kung ayaw nilang maniwala sa iyo. Kapag nakita nilang malayo ka na sa kanila, tutularan at susunod din sila sa iyong yapak. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-7-13-27-37-43.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang tumulad sa mga taong walang kuwenta at walang silbi. Ituloy mo ang iyong kasipagan at magpayaman ka lang. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-9-14-18-21-38.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nag-aabang ang mga suwerte, kaya kahit may problema ka ngayon, ‘wag kang susuko, dahil malapit na malapit mo nang mahablot ang tagumpay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-16-21-29-35-44.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong seryosohin ang buhay. Noong nagseryoso ka, naalala mo ba na mas naging malungkot ka? Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-14-20-26-41-44.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sumunod ka kahit na ayaw mo. Ito ang pinapagawa sa iyo ng langit. Kaya sundin mo ang isang taong nagmamahal at nagmamalasakit sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-10-19-28-37-40.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page