top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Horoscope | Setyembre 17, 2023 (Linggo)

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 17, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 17, 2023


Sa may kaarawan ngayong Setyembre 17, 2023 (Linggo): Ito ang araw na sadyang inilaan sa iyo. Anuman ang hilingin mo sa langit, tiyak na ito ay matutupad.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lahat ay may kani-kanyang pagsubok na kinakaharap. Ituloy mo lang ang pangarap mo at huwag kang magpapatinag, dahil tiyak na malalagpasan mo rin ang mga pagsubok na dumarating sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-15-21-27-34-40.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka nag-iisa. Lagi mong nasa tabi ang mga malalapit mong kaibigan. Handa ka nilang alalayan at tulungan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-19-27-30-38-43.


GEMINI (May 21-June 20) - Simple lang ang susi upang dumapo sa iyo ang mga suwerte, ipakita mo lang na ikaw ay seryoso. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-15-16-25-27-35.


CANCER (June 21-July 22) - Nabubuo ang isang relasyon kapag ang isa ay malayang nakakapagsabi ng kanyang saloobin habang ang isa ay malayang naipaparamdam ang kanyang pagmamahal. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-7-12-19-29-31-37.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit na nagmamahalan kayo, ‘di n’yo pa rin maiiwasan na ‘di makagawa ng pagkakamali. Kaya nga ang pinakamahalaga na gawin n’yo ay magkaroon kayo ng pang-unawa at pagpapatawad. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-16-17-22-28-36.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mabigat at mahirap buhatin ang isang sakong bigas kaysa sa isang kilo. Kaya mabibigat ang pagsubok na dumarating sa iyo, dahil malalaking suwerte rin ang mapapasakamay mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-10-13-22-33-39.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Tutukan mo ang iyong malalaking pangarap. Ang maliliit na bagay na gusto mong makuha ay saka mo na lang pagkaabalahan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-15-25-29-35-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Namumulaklak ang mga halaman sa tamang panahon. Huwag kang mainip, dahil tiyak na ‘di naman masasayang ang iyong mga pinaghirapan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-17-28-31-34-46.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nahuhulog ang mga bunga ng punong-kahoy kapag ito’y inaalog. Simple lang ang sikreto para makuha mo ang iyong hinahangad, dagdagan mo lang ang iyong lakas at matuloy ka pa ring magsikap. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-10-16-25-28-37.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Iyo ang araw na ito at ang iba pang mga araw na darating. Isabuhay mo ang pagiging masinop sa mga biyayang napapasaiyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-11-19-23-34-44.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi masamang humingi ng tulong sa mga taong malalapit sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Masuwerteng numero-2-11-15-27-30-33.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kapag ‘di gumagalaw ang agos ng iyong buhay, pagbabago ang kailangan. ‘Wag mong pilitin na palakasin pa ang mahihina. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-18-20-24-31-42.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page