Horoscope | Setyembre 16, 2023 (Sabado)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 16, 2023
Sa may kaarawan ngayong Setyembre 16, 2023 (Sabado): Tiyak na malayo ang iyong mararating. Ibig sabihin, magtatagumpay at aani ka ng maraming parangal, pagkilala at gantimpala mula sa langit.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bigyang laya mo ang iyong isip. ‘Wag kang papatali sa mga makalumang tradisyon. Mas uunlad ang buhay mo kung makikisabay ka sa agos ng makabagong panahon ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-18-20-24-39-40.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kunin mo ang para sa iyo, at ipaglaban mo ang karapatan mo upang manumbalik sa iyo ang mga suwerte. Muli, ipaglaban mo ang iyong karapatan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-21-27-30-32-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Sunggaban mo ang mga magandang pagkakataon na puwede kang umasenso. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-16-29-38-42-44.
CANCER (June 21-July 22) - Piliin mo ang may mababang kalooban. Lumayo ka sa mga mapagmataas dahil kapag sila ay ibinagsak ng langit maaari kang madamay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-15-27-33-37-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi ka mahina, sa katunayan, malakas ka kaya madalas ikaw ang bumuhat sa kanila. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-10-14-15-26-38.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lumayo ka sa mga may kapintasan, tulad ng nakakahawang sakit, dahil puwede kang mahawa. Mas maganda na mag-isa ka na lang kaysa masira pa ang iyong dangal. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-16-20-24-25-34.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung saan maluwag du’n ka dumaan. Ito ang payo upang hindi ka mahirapan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-16-28-30-31-35.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Makibahagi ka sa mga masasayang aktibidad. Ang buhay ay puno ng pangamba. Mas magandang haluan mo ito ng saya nang sa gayun ay mabawasan ang iyong pangamba. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-19-21-24-39-46.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magdahan-dahan ka upang ‘di ka magkamali sa iyong mga desisyon. Ito ang iyong isaisip. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-11-18-25-27-33.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magsakripisyo ka, dahil mas mapalad ka kaysa sa iba. Maaari mong tulungan ang mga taong nangangailangan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-19-24-29-30-34.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nadagdagan ang kulang, kaya kapag may kulang sa iyong kabuhayan, tiyak na ikaw ay madadagdagan. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-1-18-20-24-39-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi mo kailangan ang kasama lalo na’t kung sila ay pabigat lang sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-18-20-21-25-33.




Comments