Horoscope | Setyembre 15, 2026 (Martes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 15, 2026

Sa may kaarawan ngayong Setyembre 15, 2026 (Martes): Kung ano ang maganda para sa iyo, iyon ang sundin mo. Tandaan mo, ikaw ang dapat magpasya kung ano ang maganda at hindi para sa iyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kaluwagan ang hatid sa iyo ng araw na ito. Maaari mo nang gawin ang mga bagay na hindi mo kayang gawin noon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-10-19-24-39-44.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Panatilihin mo ang magandang pananaw. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-17-20-31-35-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Para mapadali ang mga gawain, humingi ng tulong sa mga malalapit sa iyo. Huwag mong pahirapan ang sarili mo para lamang masabi na kaya mo ang mahirap na proyekto. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-18-28-30-34-41.
CANCER (June 21-July 22) - Lakas ng loob ang kailangan mo para masimulan mo na ang pangarap mong proyekto. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-16-25-32-39-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ito ang araw na kailangan mo ang ayuda at suporta ng lipunan. Mamulitika ka muna at makihalubilo sa matataas na nilalang. Sa ganitong paraan, susuwertehin ka. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-18-23-33-36-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ibisto mo na ang hawak mong mga barahang “alas.” Ito ang mensahe ng iyong kapalaran upang dumagsa sa iyo ang mga biyaya. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-17-21-24-38-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mag-ipon ka habang may panahon pa. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-19-22-37-39-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ang mga taong naghahanda ay kering-keri lagpasan ang mga ‘di ka nais-nais na pangyayari. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-15-20-28-33-36.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bumaba ka at makisalamuha ka sa mga pangkaraniwang nilalang. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-14-23-29-37-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Gaganda pa ang takbo ng kapalaran mo basta huwag ka munang makukuntento. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-17-21-25-30-34.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung ano ang nasabi mo, huwag mo nang baguhin pa. Mahalaga sa tao ang may palabra de honor. Nasisira ang imahe ng taong hindi tumutupad sa kanyang sinasabi. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-15-20-26-32-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kumuha ka ng aral sa buhay mula sa mga taong nabigo dahil sa katigasan ng ulo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-9-13-18-24-39-44.



Comments