Horoscope | Oktubre 31, 2026 (Sabado)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | October 31, 2026

Sa may kaarawan ngayong Oktubre 31, 2026 (Sabado): Huwag kang magpapagamit kahit kanino. Mas magandang unahin mo ang pagpapayaman.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kakaiba ang paraan kung paano ka susuwertehin. Ipinapayo sa iyo na galitin mo ang taong malapit sa puso mo. Magugulat ka, dahil biglang gaganda ang takbo ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-old rose. Tips sa lotto-5-17-20-24-32-44.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Bago ka tumulong, kilalanin mo muna ang tutulungan mo. Ang payo, huwag na huwag kang tutulong kapag masaya ka, dahil baka sumobra ka. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-11-14-25-34-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Mahusay na guro ang sariling karanasan, pero higit na maganda ang aral sa buhay na nakukuha mula sa karanasan ng iba. Pag-aralan mo ang mga naranasan ng mga nabigo at nasaktan. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-4-12-21-27-36-40.
CANCER (June 21-July 22) - Mahalin mo ang sarili mo bago mo mahalin ang ibang tao. Ito ang payo para sa iyo, hindi lamang sa pagmamahal sa kapwa kundi maging sa aspeto ng iyong buhay pagdating sa pakikipagrelasyon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-13-19-26-31-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nagbabala ang iyong kapalaran na darating ang maraming taong hihingi ng tulong sa iyo. Kung hindi mo kokontrolin ang sarili mo, sa huli ay pagsisisi ang mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-15-22-37-39-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magigising ka sa katotohanang mas masarap palang mag-isa kaysa may kasama na hindi maunawain at baluktot kung mangatuwiran. Masuwerteng kulay-powder blue. Tips sa lotto-4-10-25-35-38-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang makipaglaro sa mabangis na leon, at huwag ka ring makipagsapalaran sa mga bagay na alam mong maliit lamang ang tsansa mong mapagtagumpayan. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-7-16-18-23-28-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Makulimlim ang langit bago bumuhos ang malakas na ulan. Dapat mong malaman na ang kalungkutan ay isa sa mga dahilan ng paglala ng iyong kapalaran. Kaya labanan mo ang iyong kalungkutan. Masuwerteng kulay-black and white. Tips sa lotto-2-17-19-20-34-37.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Umiwas ka agad kapag may lumapit sa iyo na nakasimangot at hindi man lang makangiti. Ang mga ganitong tao kasi ay parang sakit na nakakahawa ng negatibong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-10-19-21-30-35.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ingatan mo ang bawat salitang lalabas sa bibig mo dahil lubha itong makapangyarihan. Kung maaari, huwag kang magsalita ng masama tungkol sa iyong kapwa. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-5-11-16-25-27-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Iyo ang araw na ito. Susuwertehin ka at kung gusto mong gumanda ang kanilang kapalaran, hilingin mo lang ito sa langit at tiyak na pagbibigyan ka. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-8-15-20-31-33-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong itago ang iyong husay at kagandahan. Huwag kang mag-alinlangan dahil ito ang susi mo sa pagkakaroon ng isang magandang buhay. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-9-19-28-35-38-40.



Comments