Horoscope | Setyembre 15, 2023 (Biyernes)
- BULGAR
- Sep 15, 2023
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 15, 2023
Sa may kaarawan ngayong Setyembre 15, 2023 (Biyernes): Sapat na ang mga katangian mo para makamit mo ang iyong mga pangarap.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magtataka ka ngayon dahil gagaan ang pakiramdam mo habang papalapit ang Kapaskuhan. Huwag kang magtaka, dahil marami pang suwerte ang darating sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-15-19-23-27-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magpapatuloy ang pagdating ng mga bagong oportunidad sa buhay mo. Ang kinagandahan pa nito, maaari kang mamili sa kung ano ang iyong gusto. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-18-29-38-40-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Kapag nagdesisyon ka gawin mo agad, dahil may tsansang masingitan ka pa ng pag-aalinlangan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-19-27-33-39-42.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang malito. Kung sino ang pagkakatiwalaan mo. At huwag mong pansinin silang mga makukulit at mapagpilit. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-11-25-31-37-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - May darating sa iyong malaking salapi. Ngunit, ‘wag kang magtitiwala sa mga taong palakuwento, dahil sila ang nakatakdang mang-scam sa iyo. Mag-ingat at maging mapagmatyag ka upang ‘di ka muling maisahan. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-8-15-21-27-38-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ito ang araw na inilaan sa iyo. Bilisan mo ang pagkilos, dahil ang suwerte ay tila lamok na dadapo sa iyong kamay, paluin mo agad ito bago pa tuluyang makalipad. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-14-28-31-41-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Isabuhay mo ang pagkakaroon ng mahabang pang-unawa. Unawain mo silang nagbibigay sa iyo ng pabor at materyal na bagay. Hindi dapat sila mawala sa buhay mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-15-24-32-39-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tama ang iniisip mo noon pa, kung may sobra kang pera, i-invest mo ito sa negosyong ikaw mismo ang magma-manage. Ang buhay mo ngayon ay patungo na sa pag-asenso at pagyaman. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-16-22-36-39-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi naikukulong ang diwa at isip. Damihan mo pa ang mga bagay na gusto mong mangyari, dahil sa susunod na araw, buwan at taon, ang lahat ng ito ay kusang ipagkakaloob sa iyo ng langit dahil sa iyong kabaitan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-15-27-33-37-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakakatuwa dahil nagrereklamo na sila sa mahirap na sitwasyon ng kanilang buhay. Samantalang ikaw mismo ay nakaranas na nang maraming pagsubok, pero napagtagumpayan mo ito lahat. ‘Di nila alam na kasunod nito ay ang pag-asenso at ganap na pagyaman. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-13-20-29-36-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sa kalagitnaan ng iyong kalungkutan magugulat ka, dahil biglang magliliwanag ang iyong paligid. Isang nilalang ang magliligtas sa iyo sa kalungkutan. Siya ay isang anghel na ipinadala para sa iyo ng langit. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-16-26-31-34-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang kumain ng mga pagkaing walang sustansya. Ang kalusugan at mahabang buhay ay higit na mas mahalaga sa anumang salapi o yaman sa daigdig. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-14-19-25-32-41.




Comments