Horoscope | Setyembre 14, 2026 (Lunes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 14, 2026

Sa may kaarawan ngayong Setymbre 14, 2026 (Lunes): Bilis ang magdadala sa iyo sa tagumpay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong tagalan ang pagbuo ng plano mo na may kinalaman sa pagpapayaman. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-9-11-12-32-35-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung saan ka masaya, iyon ang piliin mo. Walang taong gustong malungkot. Kaya ang masasayang aktibidad ay huwag mong palampasin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-13-20-24-36-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Masaya ka sa mata ng nakakarami. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-18-21-28-31-43.
CANCER (June 21-July 22) - Nag-uumapaw ang damdamin mo sa pagmamahal. Ang payo ay ihayag mo ang nadarama mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-16-19-29-30-36.
LEO (July 23-Aug. 22) - Maging alerto ka lalo na pagdating sa pera. Ang kaligayahan ay napapalitan ng kalungkutan kapag sa huli ay wala ka nang magastos. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-14-22-24-26-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mababawasan ang ligaya mo kapag hindi mo pinalaya ang mga negatibong bagay na naglalabas-masok sa isip mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-9-11-17-33-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong sayangin ang maliligayang araw na ito. Huwag mong kaligtaan na sa pagiging malaya, ang tao ay tunay na lumiligaya. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-16-28-30-38-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong kalilimutang gamitin ang iyong talino. Ito ang tandaan mo ngayon.Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-12-18-21-29-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi nabubuhay ang tao sa pagtutok lamang sa hanapbuhay. Kailangan ding tutukan ang personal na kaligayahan at kung paano liligaya kapiling ang minamahal sa buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-8-20-25-30-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nanariwa ang mga bulaklak dahil sa halik ng hamog. Ito ang iyong tandaan: ang halik ay mahalaga sa isang tao, dahil nakakatanggal ito ng pagod at hirap. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-17-21-36-39-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi nagsisinungaling ang mahiwagang salamin sa dingding. Gayunman, mag-ingat ka, dahil dumarami na ang naiinggit sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-19-27-31-36-39.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nasa malayo ang mga suwerte mo. Kaya huwag mong kalimutang makipag-ugnayan sa kanila. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-16-20-26-37-43.



Comments