top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Horoscope | Setyembre 13, 2023 (Miyerkules)

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 13, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 13, 2023


Sa may kaarawan ngayong Setyembre 13, 2023 (Miyerkules): Hindi ka dapat mabuhay sa takot. Ang pinakamaganda mong gawin ay mag-isip at kumilos habang nakatingin sa iyong pangarap.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ihanda ang iyong sarili sa mas malaking pakikipagsapalaran. Hindi mo ito maiiwasan dahil magandang kapalaran din ang nakaabang sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-17-20-25-28-43.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mawawala ang mga pag-aalala mo. Ang mga liwanag sa bagong umaga ay iyong masisilayan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-15-24-25-33-42.

GEMINI (May 21-June 20) - Bibilis ang ikot ng iyong mundo. Dapat mabilis ka rin lalo na sa pagtukoy sa kung anong oportunidad ang bagay sa iyo. Ibig sabihin, hindi lahat ay puwede mong subukan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-17-22-23-31-40.

CANCER (June 21-July 22) - Tiwala sa sarili ang iyong kailangan, kapag binalikan mo ang iyong nakaraan, makikita mong umaasenso ka na kahit papaano. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-11-20-29-34-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ibayong pag-iingat ang iyong kailangan at ang isa mo pang kailangan gawin ay ang maging mapagmatyag. Alalahanin mong sa likod nagmumula ang mga lihim na kaaway. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-1-9-16-25-38-44.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ibandera mo ang iyong galing, husay at talino. Sa ganitong paraan, agad na susuko ang mga nag-aakalang ikaw ay mahina. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-14-23-26-28-33.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hawakan mong mabuti ang mga aral na natututunan mo. At hawakan mo rin ng mahigpit ang iyong emosyon nang sa gayun ay hindi na maulit pang muli ang masakit na nakaraan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-12-15-21-24-33-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bilangin mo ngayon ang iyong mga pakinabang mula sa iyong pagsisikap. Nagpasya na ang langit, ang mabibilang mo ngayon ay higit sa iyong inaasahan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-12-19-23-26-34.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong pigilang humanga sa mga taong mas magaling at mahusay sa iyo. Tama at nararapat lang na kilalanin mo ang kakaiba nilang katangian. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-23-28-35-37-44.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang maging maluwag. Ang mga taong nagkamali sa iyo ay hindi mo na dapat pagbigyan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-8-17-22-25-40.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – Minsan, mahirap maunawaan ang kilos ng kapalaran. Tulad ngayon, makikitang sa biglang tingin ay wala kang karapatan pero ang magagandang kapalaran ay magsisidapo sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-11-20-22-33-35.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kahit mahigpit ang mga patakaran, ikaw ay pinapayuhan na magpunta sa malalayong lugar. Kapag nagawa mo ito, muling magbabalik sa iyo ang mga suwerteng nawala sa mga kamay mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-13-18-29-38-43.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page