Horoscope | Setyembre 12, 2025 (Biyernes)
- BULGAR
- 2 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 12, 2025

Sa may kaarawan ngayong Setyembre 12, 2025 (Biyernes): Marami kang bagay na dapat ipagpasalamat sa langit, dahil higit sa mga pangkaraniwan, sadyang kakaiba ang suwerteng dumarating sa iyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muli, ipinapaalala sa iyo na kapag masaya ka, susuwertehin ka. Kaya lumayo sa mga taong malungkutin, habang dumikit ka naman sa mga masayahin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-18-20-23-38-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kakaibang sigla ang iyong madarama, kahit pa nagkataong marami kang problema. Ito ay isang malinaw na senyales na may mga suwerteng darating sa buhay mo. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-3-10-11-14-28-30.
GEMINI (May 21-June 20) - Lalapit sa iyo ang mga taong magsisilbi mong pampasuwerte, at lalayo naman sa iyo ang mga taong may hindi magandang motibo. Masuwerteng kulay-ocher yellow. Tips sa lotto-5-12-25-28-35-42.
CANCER (June 21-July 22) - Hihigitan pero hindi uubra, dahil ang pagiging malaya ay hindi mo ipagpapalit sa anumang materyal na bagay, kahit pa ang mga ito ay kailangan mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-15-17-21-27-34.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi ka pinipigilan na humanga nang husto, ngunit hindi ka puwedeng mahulog sa taong hinahangaan mo. Dahil lihim na mahahatak niya ang ilang mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-16-23-29-31-38.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang mainip. Minsan may katagalan ang pagsasaayos ng kapalaran na ginagawa ng langit. Muli, huwag kang mainip. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-17-22-25-39-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Pakinggan mo ang sarili mo. Babalikan mo ang mga nakaraan, kung kailan iba ang iyong pinakinggan at mas lalo kang nasaktan. Muli, pakinggan mo ang sarili mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-10-19-21-23-37.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Matalas ngayon ang iyong isipan. Tiyak na makukuha mo ang mga paraan upang mas kumita sa kabila ng napakahirap na buhay ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-12-14-18-24-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong kalimutan na minsan hindi maganda ang paramihan ng bilang, dahil ang tunay na importante ay ang kalidad. Ito ang gawin mong batayan sa negosyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-18-20-27-33-35.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Gawin mo ang subok na, huwag kang mag-eksperimento pa. Sa paraan subok na, malabong mabigo at malugi ka. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-21-25-28-39-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang magmadali dahil sa pagiging maingat, hindi ka mabibigo. Pero sa mabilis na pagkilos na dinaan lang sa palakasan ng loob, malulugi ka ng malaki. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-10-19-24-33-37.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakatutuwa ang mangyayari sa iyo sa ngayon dahil ang magyayabang sa harapan mo ay mapapahiya sa kanilang sarili, at ang kanilang pinagyayabang ay mapupunta mismo sa iyo. Masuwerteng kulay-mocha brown. Tips sa lotto-7-10-14-25-38-42.