Horoscope | Setyembre 12, 2023 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 12, 2023
Sa may kaarawan ngayong Setyembre 12, 2023 (Martes): Ginagarantiyahan ka ng iyong kapalaran na mataas na ranggo ang mapapasaiyo. Umasa ka, dahil ito ay tiyak na magkakatotoo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Paghandaan mo ang mga araw na kung kailan malaya munang magagawa ang iyong mga pinaplano. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-3-15-16-27-32-39
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong pansinin ang mga reklamador at paladaing. Tutukan mo ang mga araw na darating kung kailan magdadagsaan sa iyo ang mga bagong oportunidad at malalaking suwerte. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-11-18-21-32-42
GEMINI (May 21-June 20) - Ipunin at huwag mong kalimutan ang mga naggagandahang ideya na pumapasok sa iyong isipan. Ang mga ito ay nagsasabing pasasalamatan mo ang bawat araw na darating mula ngayon, dahil bulto at malalaking suwerte ang bigla mong matatanggap. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-14-19-25-32-41
CANCER (June 21-July 22) - Ito ang araw na may malaking suporta kang matatanggap. Hindi mo ito dapat tanggihan, dahil ito ay padala ng langit para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-11-20-25-32-34
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang umasa sa iba. Madalas ‘pag ang tao ay umaasa, hindi nangyayari ang kanilang inaasahan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-13-16-25-28-37
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Makinig ka lang pero huwag mong gagawin. Marami ang magagandang panukala na sinasabi ng mga tao pero kapag ginawa na ay wala namang palang maidudulot na maganda. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-14-25-30-32-37
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Dagdagan mo ang kulang, at gawin mo ito sa iyong kapwa. Sa ganitong paraan, dadagdagan din ng langit ang mga pangangailangan mo sa buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-12-15-21-32-36
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Marami kang matutunan sa pakikipagsalamuha sa iyong kapwa. Isabuhay mo ito nang sa gayun ikaw ay magtagumpay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-11-19-25-31-38
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Marami ang umaasa sa iyo. Huwag kang mag-alala, dahil tutulungan ka ng langit sa magandang layunin mo sa buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-18-26-29-32-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lumayo ka sa mapagpanggap. Kilala mo sila, kaya makakaiwas ka. ‘Wag mong kalimutan na ang nakikipaglaro sa leon ay kanyang nilalamon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-17-26-29-31-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi ka mabubuhay kung wala kang kalayaan. Kaya nga kahit nakakulong ka sa bahay, nagagawa mo pa rin ang makatakas, at gumawa ng paraan upang makaalis. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-13-17-25-31-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Gawin mo lang ang gusto mo gawin. Hindi mo kailangang pilitin gawin ang bagay na ‘di mo naman gusto. Ito ang iyong isaisip. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-7-10-16-25-34.




Comments