Horoscope | Setyembre 11, 2025 (Huwebes)
- BULGAR
- 2 days ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 11, 2025

Sa may kaarawan ngayong Setyembre 11, 2025 (Huwebes): Napakalakas ng iyong personalidad, kaya malalakas na tao rin ang makakabanga mo. Manalo o matalo ka man, hindi na magbabago ang pagiging malakas mo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong hayaan na maghari sa iyo ang galit. Ang mga taong nakagawa sa iyo ng pagkakamali ay huwag mo nang gawan ng masama. Masuwerteng kulay- lavender. Tips sa lotto-4-16-21-24-30-43.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Panatilihin mo ang kalinisan ng iyong harangin, upang langit mismo ang kumilos para pagandahin ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-12-18-22-31-44.
GEMINI (May 21-June 20) - Itago mo ang iyong emosyon. Hindi dapat ngayon malantad ang kakaibang damdamin. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-13-23-27-30-41.
CANCER (June 21-July 22) - Espesyal ka sa mata ng langit. Kaya ang mga sikretong kahilingan mo ay pagbibigyan Niya. Bilang pasasalamat, tuparin mo ang pangako mo na tulungan mo ang mga kapuspalad. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-11-20-25-36-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Lahat ng sobra ay hindi maganda. Bawasan mo ang kalabisan pero sa magandang paraan. Oo, sa paraang hindi sasama ang kanilang kalooban. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-19-24-28-37-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Sa katunayan, hindi mo naman talaga kailangan ng alalay, tulong at suporta. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-17-22-29-38-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Marami ang hindi sasang-ayon sa iyo. Ito ang paalala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-10-22-27-35-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Malakas ka, at ang malalakas ay nagkakaroon ng magandang buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-16-20-23-30-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Harapin mo ang bukas at huwag mo nang balikan ang nakaraan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-15-27-33-39-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hawakan mo ang nasa iyo, at ipunin mo ang mga regalo sa iyo ng langit, hanggang sa dumami ito nang dumami. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-16-25-28-34-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi lang saya ang dala mo, dahil sa katunayan, dala mo rin ang ginhawa para sa mga taong lihim na malungkot ang buhay at uhaw sa pang-unawa’t pagmamahal. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-17-22-28-31-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Anuman ang iyong nararanasan, iisa lang naman ang kauuwian nito, at ito ay ang napakagandang buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-18-25-30-37-41.
Comments