top of page
TALKIES - MAYOR VICO, UMAMING NEVER NAISIP MAG-SHOWBI-IG _vicosotto.jpg

Horoscope | Setyembre 11, 2023 (Lunes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 11, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 11, 2023


Sa may kaarawan ngayong Setyembre 11, 2023 (Lunes); Isinilang ka para paglingkuran ang iyong kapwa, lalo na silang mga mahihina. Alalayan at bigyan mo sila ng lakas. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tiwala sa sarili ang magdadala sa iyo sa tagumpay. Ito rin ang magbibigay sa iyo ng magandang kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-15-27-35-38-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kahit hindi ka pabor sa nangyayari sa paligid mo, maganda pa rin na makiayon ka sa kagustuhan ng marami. Dahil ang iyong pagkontra ay mauuwi lang din sa wala. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-18-21-24-36-42. GEMINI (May 21-June 20) - Kailangan may plano ka na sinusundan. Sa ganitong paraan, maiiwanan mo ang iyong mga karibal. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-14-18-27-30-33.

CANCER (June 21-July 22) - Kumapit ka sa pagmamahal ng iyong pamilya. Ang pagmamahal ay isang malakas na puwersa na kahit ang mabibigat na pagsubok ay iyong kakayanin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-7-11-19-20-29.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit na ang malalakas na katawan ay nagkakasakit rin. Walang higit na mas sasaya pa kung wala kang iniindang karamdaman. Ingatan mo ang iyong kalusugan upang tuluy-tuloy kang suwertehin. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-10-17-19-35-38.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ito ang araw na inilaan ng langit. May plano ka ba at nais gawin? Gawin mo na ngayon at tiyak na ito ay magkakatotoo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-13-22-35-38-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bakit papansinin mo ang mga taong nagmamarunong? Ang pakinggan mo ay ang mga awtoridad upang hindi ka maguluhan sa kung ano ang tama at mali. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-18-24-35-38-46.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kahit nadadagdagan ang mga araw ng pagtitiis at pakikipagtalo, ibinabalita ng iyong kapalaran na kapag natapos ang lahat ng ito, ang mga biyaya at pagpapala sa buhay mo ay magdadagsaan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-18-27-35-38-44.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ito ang araw na tuluy-tuloy na magdaratingan ang mga suwerte at magagandang kapalaran sa iyo, upang ito ay magtuluy-tuloy, bigyan mo ng balato ang mga taong malalapit sa iyo, lalo na ang mga kadugo mo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-6-12-18-24-39-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung ano ang mayroon ka, ibahagi mo sa iyong kapwa. Dahil hindi mo naman matitiis na makita na mayroong naghihirap. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-19-28-35-38-46.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Tama ang ginagawa mong bago at kakaibang pormula upang kumita ng salapi. Ituloy mo lang ‘yan, dahil dyan ka magtatagumpay at magiging maligaya. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-17-22-35-38-40.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) – Huwag mong hayaang tumaba ka ng husto, dahil ang matabang pangangatawan ay hindi maganda sa kalusugan at maaaring pagmulan ng karamdamang mahirap pagalingin. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-11-16-25-35-45.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page