top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Horoscope | Setyembre 12, 2026 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
2 days ago
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 12, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Setyembre 12, 2026 (Sabado): Lakasan mo ang iyong loob at harapin mo ang hamon ng iyong kapalaran upang magtagumpay ka.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Walang atrasan. Ito ang isabuhay mong susi ng tagumpay. Kapag ginawa mo ito, makakaasa ka na uusad ang buhay mo at hindi ka na babalik pa sa dati mong kalagayan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-11-19-27-39-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong tanggihan ang iniaalok sa iyo na pagkakakitaan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-16-22-24-32-40.


GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong ipilit ang kagustuhan mo kapag mahigpit ang pagkontra ng marami. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-15-18-23-34-41.


CANCER (June 21-July 22) - Muli kang bibigyan ng langit ng kaluwagan, kaya puwede mo nang ituloy ang mga naudlot mong plano. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-1-12-20-28-36-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Nagbabayad ang may atraso. Oo, ngayon ay pagbabayaran ng mga umapi sa iyo ang kanilang ginawa, at ang nakakagulat pa rito ay ang katotohanang ang langit mismo ang maniningil sa kanila. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-16-21-25-37-45.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang magpapaawat. Ngayon mo ipakita na hindi ka natitinag upang masaiyo ang mga pagpapala. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-17-27-30-38-44.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hayaan mo ang nauna sa iyo. Wala namang epekto sa iyo kahit siya pa ang mauna, dahil sa huli, mawawala siya at ikaw ang nakatakdang pumalit sa kanyang trono. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-14-22-31-35-39.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Walang laman ang maingay. Kaya huwag mong bigyang-halaga ang wala namang halaga. Hindi ka dapat maapektuhan sa ingay na wala namang kakuwenta-kuwenta. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-9-13-19-25-33.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kahit mahina ang bagyo, ang bahay na hindi matatag ay mabubuwal. Ngayon mo kailangang maging matatag at matibay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-16-18-21-23-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ikaw ang masusunod kahit pa malakas ang pagkontra sa iyo. Noon pa man, nagpapamalas ka na ng kakaibang kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-11-15-27-30-43.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Walang bisa sa iyo ang magagandang payo dahil itutuloy mo pa rin naman ang balak mo sa paniniwalang mas maganda ang gagawin mo kaysa sa mga payo nila. Sa bagay, sa panahong ito, mahiwaga nga at kataka-takang gaganda nang gaganda ang kapalaran mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-15-22-31-37-40.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ka masisisi kung lalayo ka! Dahil kahit naman sino, kapag nahihirapan na, naghahanap ng paraan upang magkaroon ng kaginhawaan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-10-14-17-23-36.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page