top of page

Horoscope | Setyembre 10, 2025 (Miyerkules)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3d
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 10, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Setyembre 10, 2025 (Miyerkules): Kahit saan ka tumira, mas aangat ka pa rin kesa sa mga pangkaraniwan, na tila ba ikaw lang ang inaasahan. 

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Sisingit sa kapalaran mo ang isang munting suwerte na magpapabago ng pananaw mo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-12-17-27-30-32.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi mo kontrolado ang mga pangyayari sa iyong harapan, lalo na ngayon na kusang gagalaw ang gulong ng iyong kapalaran, na kung saan ay masosorpresa ka. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-19-21-26-32-42.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Hindi pa hihinto ang pagdapo sa iyo ng magagandang kapalaran.  Oo, hindi pa rin hihinto ang mga inggit na inggit sa iyo. Nagtataka sila kung bakit madamot ang suwerte para sa kanila. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-18-20-24-26-41.

 

CANCER (June 21-July 22) - Mapapasaiyo ang hindi mo hiniling at ang hiniling mo ay hindi na muna makukuha. Ang mapupunta sa iyo ay paghahanda para sa nalalapit na pagdating ng malalaking buwenas. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-14-27-34-36-40.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Kapag nagsalita ka, tiyak na magkakatotoo. ‘Wag kang magsasalita ng masama sa kapwa mo, dahil ito rin ay magkakatotoo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-15-17-21-25-27.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mapapansin mo ngayon na dumadalas ang pagdalaw sa iyo ng mga kakaibang suwerte na nakakagulat dahil sa nagdaan ay inakala mong umaasa lang sila sa iyo, pero ngayon, suwerte na ang hatid nila sa’yo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-16-22-29-32-35.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mag-ingat ka sa mga taong mapagbigay. ‘Wag mong kalimutan na ang mga taong bigay nang bigay at alok nang alok ay may hindi magandang motibo na puwedeng magpahamak sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-14-20-23-30-41.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ang naranasan mong pangit na kalusugan ang magsisilbing paalala na kailangan mong pangalagaan ang iyong katawan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-10-18-29-31-38.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kumukuha ngayon ng malakas na buwelo ang mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-15-23-25-32-39.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hinahawi na ng langit ang mga madilim at makapal na ulap sa iyong kapalaran. Hindi magtatagal ay masisilayan mo na ang liwanag ng pag-asa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-13-21-26-27-33.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Napapagod ka na ba? ‘Wag muna! Hindi pa ngayon ang tamang panahon para magkaroon ng pagbabago sa iyong pakikipagrelasyon. Maghintay ka muna ng mga senyales mula sa langit. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-10-28-38-41-45.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pumanig ka sa mababa, dahil kapag itinaas sila ng langit, itataas ka rin at masasaksihan mo na ang mga nagmamataas ay nagsisibagsakan isa-isa. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-20-22-31-37-40.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page