Horoscope | Setyembre 1, 2025 (Lunes)
- BULGAR
- 2 days ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 1, 2025

Sa may kaarawan ngayong Setyembre 1, 2025 (Lunes): Mauuna ka sa lahat ng bagay at kung ‘di sinasadyang pumangalawa o malagay ka sa mababang kalagayan, kikilos ang kapalaran mo para ikaw pa rin ang manguna. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iwasan mong magyabang kahit sa totoo lang ay marami kang dapat ipagyabang. Ang pananatiling mapagpakumbaba ay magbibigay sa iyo ng mas marami pang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-19-26-29-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nakakatuwa ang iyong kapalaran sa ngayon, dahil kahit magkunwari kang malungkot, sasaya ka pa rin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-21-23-28-39-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Magpapakita ng lakas ang mga suwerte mo na likas na nasasaiyo. Ang mga nag-aakalang kung anu-ano lang ang iyong pinagagawa ay magugulat dahil sa mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-15-25-27-38-42.
CANCER (June 21-July 22) - Merong isang diyosa ayon sa alamat na ang bawat matitigan niya ay nagiging batong matigas. Ikaw naman sa ngayon, ang bawat tamaan ng iyong mga sulyap ay iyong mabibihag. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-21-23-26-31-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Iyung-iyo ang araw na ito at malaya mong magagawa ang anumang gusto mo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-1-19-30-32-35-43.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dadapo sa iyo ang isang masayang pangyayari na magsisilbing iyong panimula para positibo mong harapin ang katuparan ng marami mong mga pangarap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-13-20-28-39-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Lumalabas ang bango ng bulaklak kapag ito ay nasasaktan at nasusugatan. Babalik na may halong pagsisisi at panghihinayang ang taong gumawa sa iyo ng kasalanan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-6-16-27-36-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nahahawakan ang tubig, pero hindi tulad ng solidong bagay. Gayunpaman, malabong mahawakan ninuman ang damdamin mo ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-12-28-33-38-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Oo, maganda ang tutok sa trabaho pero sa ngayon ang payo ay maglibang at magsaya ka. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-11-15-22-30-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong sayangin ang nasa sa iyo na, hayaan mong bigyan ka nila ng kaligayahan. Dahil sa totoo lang, siya rin ay masaya kapag nakita kang masaya. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-20-27-30-38-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Paulit-ulit lang ang nangyayari sa mundo. Muli, hindi mo makukuha ang gusto mo pero ang mapapasaiyo ay labis na labis mong pasasalamatan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-14-21-24-29-43.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Habang hindi magkaintindihan ang dalawang parang nag-aaway, lilipat sa iyo ang mga suwerteng dadapo sana sa kanila. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-20-23-33-37-42.
Comments