top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Setyembre 1, 2023 (Biyernes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 1, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 1, 2023


Sa may kaarawan ngayong Setyembre 1, 2023 (Biyernes): Mangunguna ka sa lahat ng bagay. Oo, isinilang ka para manguna. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Aangat ka ngayon. Samantalahin mo ang magandang pagkakataon nang sa gayun ay mas lalo pang dumami ang iyong suwerte. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-12-21-25-34-44.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang magpapatalo sa lungkot, mas mabuting ang kasiyahan ang lumupig sa tao, dahil ang magandang bagay ay na-a-absorb ng mga taong masasaya. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-3-18-21-28-35-42.

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong isipin ang mga problema. Lumabas ka ng bahay at mamasyal. Sa ganitong paraan ka sisigla. Samantala, kapag nagpadala ka sa iyong problema maaaring humina ang iyong kalusugan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-19-27-30-33-34.

CANCER (June 21-July 22) - Dumikit ka sa mga positibong tao, upang gumanda ang buhay mo. ‘Wag na ‘wag kang didikit sa mga negatibong tao dahil mahahawa ka lang sa pangit nilang kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-22-28-31-36-40.

LEO (July 23-Aug. 22) – Kapag mag-uutos ka, gumamit ka ng malalambing na salita nang sa gayun ay mahalin ka nila. Iwasan mong mag-utos kung ikaw ay galit, dahil lihim din silang magagalit sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-14-19-29-37-43.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Isip ang mag-aangat sa iyo na kung saan, kikilalanin at hahangaan ka. Bago ka kumilos, paganahin mo muna ang iyong isip, huwag kang sugod nang sugod. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-18-27-33-39-46.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Muli, kung ano ang maganda sa iyong paningin, ‘yun ang iyong abutin. Ito ang susi upang matagpuan mo ang iyong tunay na kaligayahan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-15-21-26-34-41.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ilantad mo ang iyong baraha. Panalo ka na sana, ngunit ‘di mo ginamit ang iyong magandang baraha. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-17-27-30-33-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mamili ka, ngunit ‘wag mo na itong patagalin pa. Sapat na ang talino at karanasan mo upang matiyak mo na tama lang ang iyong desisyon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-12-18-23-34-38.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) – Papaganda nang papaganda ang takbo ng iyong kapalaran. Kaya bakit ka malulungkot at mananamlay? Salubungin mo ang iyong mga suwerte ng may galak sa iyong puso. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-17-26-33-31-45.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakagulat ang mga pangyayari, dahil ikaw na nasa ibaba ay biglang mapupunta sa itaas. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-11-19-22-31-33.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Haluan mo ng pagbibiro ang mga kilos at pananalita mo. Ito ang sikreto upang lumapit sa iyo ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-19-20-25-27-34.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page