Horoscope | September 30, 2024 (Lunes)
- BULGAR

- Sep 30, 2024
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Sep. 30, 2024

Sa may kaarawan ngayong Setyembre 30, 2024 (Lunes): Huwag mong tanggihan ang pagtatalaga sa iyo sa mataas na posisyon. Isinilang ka para mamahala at mangasiwa.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Sundin mo ang dikta ng iyong isip kahit pa may masaktan. Sa huli, mauunawaan din nila na ang pasya mo ay para sa ikabubuti ng lahat. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-10-22-26-34-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Harapin mo ang mga hamon ng iyong kapalaran. Huwag mo itong atrasan! Nakaharap mo na ng mukhaan ang kabiguan sa nagdaan kaya walang dahilan para matakot ka. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-12-27-37-40-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Nakakatuwa ang kapalaran mo ngayon. Ikaw na iwas nang iwas ang ilalagay sa harapan para ilantad ang galing at husay mo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-15-29-33-38-43-45.
CANCER (June 21-July 22) - Narinig mo na ba ang isang pormula ng tagumpay na nagsasabing mabuhay ka na parang ngayon na ang iyong huling araw? Bukas pagkagising mo, sobrang dami na ng iyong yaman. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-19-25-31-32-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mamahagi ka, kahit pa sabihing malayo pa ang Kapaskuhan, nang sa gayun ay gumanda ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-16-25-30-37-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hinihintay ka na ng iyong tagumpay. Kapag kumilos ka, dapat ‘yung tugma sa iyong pangarap. Bawat kilos mo dapat ay nakatutok sa pagpapaganda ng iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-11-14-28-34-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magagamit mo ang kakaibang ganda mo. Pero gamitin mo ito para makapag-ipon ka. Iwasan mo itong magamit sa mga walang kakuwenta-kuwentang bagay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-18-21-23-39-43.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kahit kaya mong mag-isa ang mga gawain, mas maganda pa rin na kumuha ka ng taong makakatulong sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-10-13-29-34-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magiging masigasig ka ngayon. Huwag mong kalilimutan na dapat maging alerto ka rin sa anumang mga pagbabago para hindi ka masorpresa. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-11-15-17-23-35.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Inihahanda na ng langit ang maagang regalo para sa iyo. Ibig sabihin, kahit na malayo pa ang Kapaskuhan, ipagkakaloob na Niya ang mga biyaya at pagpapala para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-14-26-36-38-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Masaya ang buhay, pero mas papasayahin pa ‘yan ng langit. Alam mo kung bakit? Dahil ‘pag masaya ka, marami rin ang sumasaya. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-18-21-23-30-32.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Habang maganda ang takbo ng kapalaran mo, paghandaan mo na rin ang iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-11-14-24-35-44.






Comments