top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | September 30, 2021 (Huwebes)

BULGAR
Sep 30, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 30, 2021


Sa may kaarawan ngayong Setyembre 30, 2021 (Huwebes): Kung ano ang pangarap mo ay matutupad at kahit pa dumami ang mga pangarap mo, tiyak na matutupad pa rin ang mga ito. Ito ay ginagarantiyahan ng araw ng iyong pagsilang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Dagdag na lakas ng loob ang kailangan mo upang dagdag na suwerte ang ihatid sa iyo ng langit. Kapag hindi ka nagbago, ang pagyaman mo ay ginagarantiyahan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-biege. Tips sa lotto-11-19-27-30-35-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ihanda mo ang iyong sarili sa naglalakihang suwerte na papalapit sa iyo. Alisin mo na ang iyong mga kahinaan nang sa gayun ay hindi masayang ang iyong magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-11-15-23-28-34.


GEMINI (May 21-June 20) - Mabilis ang pagdapo sa iyo ng mga suwerte. Dahil sa bilis, hindi mo namamalayan na ikaw ay bubuwenasin na. Kapag bigla kang sumaya, ‘yun na ang senayles na dapat kang makipagsapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-9-15-23-32-35.

CANCER (June 21-July 22) - Labanan mo ang lungkot. Kapag masaya ka, ang magagandang kapalaran na hindi mo sukat akalain na para sa iyo ay dadapo sa buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-10-14-16-21-29.

LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang magpapalit ng paninindigan dahil humahanga ang langit sa taong matatag. Ang hinahangaan ng langit ay tatanggap ng malalaking biyaya na labis niyang ikatutuwa. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-17-27-34-38-44.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kapag bumagal ka, babagal din ang paglapit sa iyo ng mga suwerte. Ito ang sikreto ng kapalaran na kailangang maunawaan mo, hindi lang ngayon kundi sa mahabang panahon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-13-24-30-31-35.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nananariwa ang halaman kapag nadidiligan. Kaya naman ngayon at sa darating pang mga araw, bigyan mo ng saya at ligaya ang iyong sarili nang sa gayun ay magbalikan ang mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-17-29-31-38-41-43.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi natutulog ang langit, ito ay palaging nakasubaybay sa hindi nakakalimot. Papatunayan sa iyo ito ng nasa itaas kung saan naririnig ang iyong mga kahilingan at kahit mag-alinlangan ka pa, ito ay isa-isa nang matutupad ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-10-14-22-29-30.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bumababa ang nasa itaas, ito ay batas ng kapalaran. Para manatili kang nasa itatas, huwag mong kalilimutan na magpakumbaba. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-11-14-29-31-33.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Muli, kontrolin mo ang iyong pagiging mahiyain nang sa gayun ay mahawakan mo ang magagandang kapalaran na magmumula sa mga bago mong kakilala at kaibigan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-12-28-30-31-35-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakatutuwa ang kapalaran ng mga taong mapanghusga sa iyo. Sila ngayon ang huhusgahan ng langit at tatanggap ng parusa sa banal na utos na huwag husgahan ang kapwa. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-11-17-24-26-32.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magplano ka ng pagpunta sa ibang lugar na bihira mong pasyalan. Kailangang lumayo ka muna at pansamantalang mamasyal nang sa gayun, pagbalik mo ay magiging sobrang masuwerte ka. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-10-14-16-24-39-40.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page