top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | September 25, 2021 (Sabado)

BULGAR
Sep 25, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 25, 2021


Sa may kaarawan ngayong Setyembre 25, 2021 (Sabado): Paminsan-minsan, kailangan mong pumunta sa malalayong lugar dahil sa ganitong paraan, mananariwa ang kapalaran at magbabalikan ang mga suwerte mo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magbawas ka ng pabigat sa iyo. Hindi lang mga tao kundi maging ang mga aktibidad na nahihirapan kang ituloy. Sa ganitong paraan, gagaan ang buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-17-20-21-25-34.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang magpatangay sa iyong damdamin. Sa halip, isip ang iyong paganahin. Ang nakikinig sa isip ay hindi maliligaw ng landas sa mga pagkakataong nagtatalo ang isip at damdamin. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-18-22-27-34-38.

GEMINI (May 21-June 20) - Ituloy mo lang ang iyong diskarte. Ibig sabihin, hindi nangangailangan ng bagong ideya o pagpapalit ng pormula. Muli, ituloy mo lang ang nasimulan mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-10-13-26-31-33.


CANCER (June 21-July 22) - Kumonsulta ka muna sa malalapit sa iyo bago ka magpasya. May babala na kapag ang pasya mo ay mula lang sa sarili, magkakamali ka. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-14-27-30-39-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Katahimikan ang iyong kailangan, lalo na sa isipan. Lumayo ka sa mga nagpapasakit ng ulo mo at umiwas ka rin sa magbibigay sa iyo ng sama ng loob. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-12-20-29-38-39-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Labas-pasok sa isipan mo ang magagandang ideya. Huwag mong ipagdamot, ipahiram mo sa mga taong akma sa kanila ang kakaibang pormula ng tagumpay. Sa pagpapahiram ng iyong karunungan, palagi kang susuwertehin at pagpapalain ng nasa itaas.

Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-10-16-17-22-28-36.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hawak mo ang kapalaran ng iba. Nakagugulat ang ganitong oportunidad dahil ito ay nagsasabing alipin at magagamit mo ang ibang tao. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-14-19-21-29-32-38.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ayaw makita ng iba na masaya ka, kaya lalo kang magsaya nang sa gayun ay sila ang malungkot. Hindi ka dapat maapektuhan ng kanilang masamang hangarin laban sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-4-18-20-27-34-44.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Papasok sa isip mo ang isang kakaibang susi ng tagumpay na magdadala sa iyo sa lalo pang pagganda ng iyong kapalaran. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-15-17-26-35-45.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Dumarami ang gustong maisahan ka dahil sa iyong kakaibang kabaitan. Mag-ingat ka at ang mas mabuti ay kung sino ang nandaya na sa iyo ay iyong iwasan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-18-20-24-28-31.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Madali kang mapaniwala ngayon. Ano ang solusyon? Lumayo ka sa mga palasalita at palakuwento, lalo na sa mukhang magaganda at nakakapagpasaya ang mga sinasabi. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-15-16-27-33-35.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dumating na ang takdang araw at ito ay ngayon na kung saan nakabukas ang tainga ng langit at hinihintay ang iyong mga kahilingan. Ang paghiling ay dapat ngayon na. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-21-27-33-38-42.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page