Horoscope | September 07, 2021 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 07, 2021
Sa may kaarawan ngayong setyembre 7, 2021 (Martes): Kapag nagawa mo ang unang paglalakbay mo, masusundan ito ng marami pang paglalakbay dahil ito mismo ang utos ng iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lakasan mo ang iyong loob at harapin ang pakikipagsapalaran sa malalayong lugar. Sa ganitong paraan, mapabibilis ang iyong pag-asenso. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-19-20-24-25-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mukhang tinatalo ka ng mga negatibong kaisipan. Baguhin mo ang ayos ng mga kasangkapan sa iyong bahay. Buksan mo ang bintana at papasukin ang simoy ng sariwang hangin. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-9-18-26-31-32.
GEMINI (May 21-June 20) - Nagbalik ang mayaman mong imahinasyon. Dahil dito, malilito ka sa dami ng magagandang ideya na puwedeng magbigay sa iyo ng dagdag na yaman. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-16-17-20-25-27.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang matakot sa mga kumakalaban sa iyo. Sila dapat ang kabahan dahil mas malakas at masuwerte ka kaysa sa kanila. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-10-19-21-31-33.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nagbababala ang araw na ito na maiimpluwesiyahan ka ng akala mo ay magandang ideya kung saan sa huli ay maaagrabiyado ka. Humingi ka ng opinyon sa mga pinagkakatiwalaan mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-14-15-29-37-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mula sa malalayong lugar, magdaratingan ang maagang mga regalo mo. Mula sa malapit, tatanggap ka pa rin ng mga regalo at ito ay ikagugulat mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-11-12-25-35-36.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang magpapagamit dahil mas magandang ikaw ang manggamit. Ang mga kabiguan, kung babalikan, makikitang ito ay nagmula sa ginamit ka ng mga taong hindi malinis ang layunin. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-8-10-16-27-39-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Samantalahin mo ang araw na ito kung kailan puwedeng-puwede kang kumita ng malaki at sipag lang ang iyong kailangan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-15-18-21-26-36.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ka kakapusin sa mga makabagong pormula ng tagumpay. Ang totoo nga, marami kang alam. Ipahiram mo ang iba sa mga taong malapit sa puso mo nang umunlad din sila. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-28-30-31-38-46.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Malikot ngayon ang isip mo. Puwedeng anumang sandali ay magbago ang pasya mo. Ang isabuhay mo ay ang magbabago ka lang ng pasya kung mas makikinabang ka. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-23-25-31-35-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kailangan mong mamasyal nang sa gayun ay magbalik ang talas ng iyong isip at muli kang lumakas. Ang pananatili nang matagal sa iisang lugar ay hindi makabubuti sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-20-25-29-34-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Gusto mong lumayas. Bagama’t puwede mo itong gawin, kailangan ay bumalik ka rin. Dahil ang totoo, ang susundin mo ngayon ay hindi ang iyong isip at puso kundi ang mga paa mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-20-24-28-37-43.




Comments