top of page

Horoscope | September 02, 2021 (Huwebes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 2, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 02, 2021



Sa may kaarawan ngayong Setyembre 2, 2021 (Huwebes): Napabibilang ka sa nagtataglay ng napakalakas na karisma na mas malakas pa sa totoong gayuma. Kaya naman palagi kang mag-iingat dahil ang mga wala nang karapatan ay hindi ka titigilan.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ipagpaliban mo ang pakikipagkontrata. Maghintay ka ng tamang araw kung kailan malaya kang makapagpapasya. Sa mga araw na ito, ang damdamin mo ay sagabal sa mga proyekto. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-10-12-19-20-24-40.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ito gabay ng kapalaran, ito ay tiyak na iyong mararanasan na ang minsang nandaya sa iyo ay muling lalapit at muli mong pagbibigyan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-11-17-27-35-39.


GEMINI (May 21-June 20) - Isip ang paganahin mo at hindi ang iyong puso. Mas mapabubuti ka kung isip ang magdidikta sa buhay mo. Liligaya ka kapag puso ang sinunod, pero ito ay pansamantala lamang. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-2l-27-35-38-42.


CANCER (June 21-July 22) - Kaunting kulit lang, makukuha mo na ang malaking gusto mo. Hindi ka mahihirapan ngayon. Ang mga nasa paligid mo ay susunod sa utos ng langit na bigyan ka ng saya at ligaya. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-14-18-23-24-39-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Lalo kang napapalapit sa nagpapakita sa iyo ng kakaibang bait. Kung sakaling magkakaunawaan kayo, hindi naman tututol ang langit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-24-28-33-37-46.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong pansinin ang nanghihimasok sa iyong buhay. Ang hindi niya alam, kapag hindi ka niya tinigilan, sa huli ay mahuhulog ang loob niya sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-18-21-24-30-35.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Babagal ang galaw ng iyong mundo. Ang makikitang pagkakaabalahan mo ay ang aspetong pandadamin, na ang dapat tutukan ay ang pangkabuhayan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-18-22-23-30-35.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Abala ang isip mo sa mga palaisipan ng buhay. Abala ka rin sa trabaho. Ang payo ay dapat limitahan mo ang unang nabanggit at ituloy lamang kapag ikaw ay nasa bahay na at nag-iisa. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-15-18-27-30-31-32.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nag-iipon ng lakas ang iyong mga suwerte. Ito ang dahilan kung bakit inaakalang walang paggalaw ang buhay na parang hindi ka na bubuwenasin pa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-19-20-24-25-34.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung sino ang madikit sa iyo, siya na mismo ang suwerte. Puwede ring ikaw na mismo ang dumikit sa alam mong sinusuwerte. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-17-21-28-35-45.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nagbababala ang araw na ito na tutulo ang mga luha mo. Ang ilang dahilan ay kabiguan, pero mapapaluha ka rin dahil sa biglang pagdapo ng malaking suwerte sa buhay mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-13-20-21-38-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Suwerte ka ngayon. Muling ibinalik ng langit ang mga araw na ikaw ay mapalad nang sa gayun ay mapahiya ang mga walang hinangad kundi ikaw ay mabigo at masaktan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-17-28-30-33-44.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page