top of page

Horoscope | Pebrero 9, 2026 (Lunes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | February 9, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Pebrero 9, 2026 (Lunes): Hindi ka bibiguin ng iyong kapalaran hangga’t hindi mo nakakamit ang iyong mga ambisyon. 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ngayon ang araw mo at ang mga susunod na araw ay para pa rin sa iyo. Gayunman, ‘wag mong sayangin ang masusuwerteng araw. Ito ang tandaan mo ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-10-13-21-33-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pag-aralan mo ang iyong sarili upang malaman mo kung ano ang kulang sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-14-22-27-35-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Pansinin mo ang iyong nakaraan na noon ay pikit-mata mong sinusunggaban. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-17-20-28-31-43.


CANCER (June 21-July 22) - Kung ano ang ayaw mo, iyon mismo ang mangyayari. Ngunit sa huli, masasabi mo na ang langit pala ang higit na nakakaalam kung ano ang mabuti para sa bawat tao. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-24-26-30-39-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Napakalaking oportunidad ang makakalampas kapag ang pinanghawakan mo ay ang kawalang-hilig mo sa materyal na bagay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-9-12-24-34-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi masasayang ngayon ang mga pagkilos mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-16-22-29-37-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Akala ng mga karibal mo, hindi papabor sa iyo ang kapalaran. Subalit nagkakamali sila, dahil hindi nila alam, kumikilos ang iyong kapalaran para buwenasin ka pa nang husto. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-11-18-23-33-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumilos ka na parang hawak mo na ang tagumpay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-11-25-32-35-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung ano ang meron ka, gamitin mo sa pagsisimula ng bagong pagkakakitaan. Ang bilin ng iyong kapalaran ay huwag na huwag kang mangungutang. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-10-20-24-34-43.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tapang ang puhunan ng mga mayayaman, habang karuwagan naman ang puhunan ng mga taong ‘di umuunlad. Ngayong alam mo na ang sikreto ng buhay. Ano pang hinihintay mo? Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-14-17-28-32-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Dumikit ka sa mga taong tutok sa kanilang ambisyon, at tiyak na matututukan mo rin ang matagal mo nang pangarap. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-17-21-25-36-44.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Simple lang naman ang dapat mong gawin. Pasayahin mo ang iyong sarili at kumain ka sa labas! Mas maganda kung ikaw lang mag-isa. Sa ganitong paraan, magsisimulang dumapo sa iyo ang mas madaming suwerte. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-1-10-18-22-33-41.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page