top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Horoscope | Pebrero 9, 2023 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 9, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Pebrero 9, 2023


Sa may kaarawan ngayong Pebrero 9, 2023 (Huwebes): Ginagarantiyahan ng araw ng iyong pagsilang na dadami ang iyong kabuhayan habang ikaw ay nabubuhay. Matuto kang magsinop ng kabuhayan upang tuloy-tuloy ang iyong pag-unlad at pagyaman.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bibigyan ka ng kalayaan na gawin ang anumang gusto mo ngayon. Pagkakataon mo nang magawa ang mga bagay na kinokontra ng marami noon. Kahit kontrahin ka nila ngayon, ikaw ang magtatagumpay. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-5-10-25-30-35-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tapang ang puwede mong gawing puhunan para matupad ang iyong mga pangarap. Sapat ang tapang upang magapi mo ang kahirapan hanggang sa tuloy-tuloy ka nang umunlad at yumaman. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-19-20-21-24-28.

GEMINI (May 21-June 20) - Kontrolin mo ang iyong sarili, lalo na ang pagsugod nang hindi pinagplanuhan. Walang ibang susi sa tunay na tagumpay kundi ang paghahanda at pagpaplano. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-11-18-27-39-41.

CANCER (June 21-July 22) - Kabaitan ang sandata ng kapalaran na ibinigay sa iyo. Matutunaw ang matitigas na kalooban kapag ginamitan mo ng iyong kakaiba at walang katulad na kabaitan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-10-25-29-30-32.


LEO (July 23-Aug. 22) - Mahina ka ngayon dahil sa totoo lang, mababaw ang iyong kaligayahan dahil sumasaya ka kahit alam mong ikaw ay naiisahan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-10-15-23-39-42.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lalo mo pang laliman ang pag-aral sa mga pangyayari sa iyong harapan. Sa huli, matutuklasan mo na ang buhay dito sa mundo ay walang hanggang pakikihamok. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-15-22-28-31-38.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Lahat ay may kapalit. Ang pagsisikap ay may kapalit na biyaya, kaya magsikap ka at aani ka ng mga biyaya. Ang kapalit ng katamaran ay kahirapan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-17-20-23-33-37-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Balikan mo ang iyong mga tagumpay. Maaalala mo na sa kabila ng may takot ka ay nakuha mo ang gusto mo. Kapag ikaw ay may takot, sumugod ka dahil tiyak na ang iyong tagumpay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-10-12-22-27-35.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nagpapalit ng damit ang may masamang motibo para mapagkamalang kakampi. Mag-ingat ka sa may masasayang personalidad dahil naitatago ang tunay nilang ugali at sa huli, ito ay iyong ikapapahamak. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-26-29-30-32-36.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kailangan ka ngayon ng mahihina, hindi dahil ikaw ay malakas kundi dahil may nakukuhang inspirasyon sa iyo. Ito ay magagamit nila para magpatuloy na lumaban sa hamon ng buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-10-11-14-17-28.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magaling na tapagturo ang mga bigo. Huwag mo silang layuan o iwasan. Hayaan mong nasa tabi mo lang sila dahil marami kang matututunan sa kanila. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-15-16-27-30-31.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lakasan mo ang iyong loob at tandaan mo na hindi ka isinilang na talunan. Dapat mong malaman na ikaw ay isinilang para manalo sa kahit anong hamon ng iyong kapalaran. Ito ang lagi mong tandaan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-19-21-28-30-35.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page