Horoscope | Pebrero 9, 2021 (Martes)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| February 9, 2021
Sa may kaarawan ngayong Pebrero 9, 2021 (Martes): Malalaking ambisyon ang tugma sa iyo dahil malalaking tagumpay ang para sa iyo. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang mga araw na darating. Magplano ka at saka mo ipatupad. Ginagarantiyan ng iyong kapalaran na ang kabiguan ay hindi mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-20-25-30-39-46.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Unahin mo ang pagpapayaman nang hindi masayang ang magandang pagkakataong ibinigay sa iyo ng langit. Hindi ka dapat magkamali. Muli, unahin mo ang pagpapayaman. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-10-11-13-26-35-37.
GEMINI (May 21-June 20) - Kikislap ang isip mo at ang napakagandang pormula kung paano ka mabilis na aasenso ay maiisip mo. Kapag nilakipan mo ito ng kaukulang pagkilos, mabilis ang iyong pag-unlad. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-20-24-25-34-42.
CANCER (June 21-July 22) - Gamitin mo sa negosyo ang perang mapupunta sa iyo. Muli, sa negosyo at hindi dapat sa ibang bagay. Marami ang nagkamali nang dahil sa maling paggamit ng kanilang naging pera. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-18-23-25-37-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Tanggapin mo ang resulta ng iyong pagkakamali. Hahangaan ka ng langit at magugulat ka dahil ang mali mo ay magiging tama. Gayundin, ito ay mamumunga pa ng maraming biyaya. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-13-15-20-21-28.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung saan ka masaya, roon ka. Ito ang kasagutan sa tanong mo sa iyong sarili kung ano ang pipiliin mo sa dalawang bagay na mahalaga sa iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-20-26-31-39-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Humugot ka ng lakas sa mga napagtagumpayan mo nang mga pagsubok sa buhay. Ikaw ang nanalo noon at ngayon, ikaw pa rin ang magwawagi. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-14-16-22-26-32.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang nakikita mo, ‘yun ang totoo. Huwag mo nang dayain pa ang iyong sarili kung saan naghahanap ka pa ng dahilan para lang mapagtakpan mo ang nakalantad na katotohanan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-15-20-21-26-33.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Maluwag ang landas ng buhay na iyong nilalakaran ngayon. Ang mga anino na iyong kinatatakutan ay likhang-isip mo lang naman. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-18-27-39-40-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kunin mo ang sa iyo at ipaglaban mo ang iyong karapatan. Napansin mo ba na ang walang karapatan nga ay nakikipaglaban, ikaw pa kaya na mayrooong malaking karapatan? Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-19-20-21-26-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Tatapang ka ngayon, pero mabilis ding mawawala ang tapang mo. Kaya ang payo ay kapag naramdaman mong tumapang ka, kunin mo na ang gustung-gusto mong mapasaiyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-8-24-26-34-47.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bago ang para sa iyo, kaya kalimutan mo na ang luma at bago ang hanapin mo. Huwag kang mag-alala dahil sa huli ay makikita mo ang iyong sarili na yakap-yakap ang bago. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-10-13-28-33-38.




Comments