Horoscope | Oktubre 14, 2026 (Miyerkules)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | October 14, 2026

Sa may kaarawan ngayong Oktubre 14, 2026 (Miyerkules): Ito ang araw na inaanyayahan ka ng langit na mangibang-bansa o magnegosyo. Pareho mo itong ikakayaman, kaya gawin mo na ngayon!
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pansinin mo ang mabilis na agos ng tubig. Tularan mo ito sa pamamagitan ng pagpapabilis ng iyong mga kilos upang bumaha pa ng magagandang bagay ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-16-21-24-30-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magtutuluy-tuloy ang pagganda ng takbo ng kapalaran mo, lalo na kung isasabuhay mo ang mga natutunan mo mula sa karanasan ng iba. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-15-22-26-35-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Magbawas ka. Oo, ibigay mo sa iba ang ilan sa mga bagay na hawak mo. Kapag magaan ang iyong dinadala, mas mabilis kang uunlad at mas magiging maligaya. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-13-20-25-36-45.
CANCER (June 21-July 22) - Minsan sa buhay ng tao, napakikinabangan din ang takot. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-11-26-29-32-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Sa panahong ito ng iyong buhay, lakasan mo lang ang iyong loob para lumakas din ang iyong suwerte at magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-16-25-31-37-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ngayon na ang pagkakataon mo upang tumulong sa mga nangangailangan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-14-23-30-39-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi mo dapat pagkaitan ang iyong sarili. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-18-27-33-36-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Napapahamak ang mga hindi nakikinig sa babala. Kaya huwag mong balewalain ang mga babala. Mag-ingat ka dahil ang mga nag-iingat ay nakakaiwas sa sakuna. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-9-15-24-28-37-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kapag sama-sama, lumalakas ang mga tao. Kapag magkakasama, mas tumatalas ang pag-iisip nila. Hindi puwedeng mag-isa ka lamang, lalo na sa panahon ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-14-21-26-36-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Makibahagi ka sa mga gawaing naglalayong tumulong sa mga nangangailangan at sa kapwa. Ngayon ay pinagmamasdan ng langit ang mga tao at pinagpapala ang mga may mabuting kalooban. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-12-27-29-35-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Init ang kailangan kapag giniginaw, at init din ang kailangan kapag nanlalamig. Kapag kumilos ka nang kumilos, iinit ang iyong katawan at magtutuluy-tuloy ang iyong sigla. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-16-25-28-34-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pagsama-samahin mo muna ang iyong mga katangian bago ka kumilos. Makakaasa ka na darating ang malaking pagbaha ng magagandang kapalaran sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-17-22-26-30-32.



Comments