top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Horoscope | Oktubre 15, 2026 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
2 days ago
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | October 15, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 15, 2026 (Huwebes): Magtiwala ka sa iyong kapalaran. Kahit pa may pinagdaraanan ka, iisa lang naman ang kahihinatnan ng lahat ng ito, at iyon ay ang lalo pang pagganda ng iyong buhay.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pabigla-bigla ang takbo ng iyong kapalaran. Kaya pati mga karibal mo ay magugulat at hindi na alam ang gagawin upang makahabol sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-10-16-29-33-36.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon na ang hinihintay mong pagkakataon. Lakasan mo ang loob mo at makipagsapalaran ka. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-21-25-28-34-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Piliin mo ang may kislap. Ang kislap na makikita mo sa iba ang magsisilbi mong pampasuwerte. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-14-18-20-35-41.


CANCER (June 21-July 22) - Inuutusan ka ng langit na bukod sa pagiging mabait at mapagbigay, dapat ka ring kumilos at magsikap. Ang isa pang dapat mong gawin ay humanap ng kapareha at katuwang upang mas madali kang umunlad at yumaman. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-19-21-23-37-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Ipakita mo ang pagmamahal mo sa iyong kapwa. Hindi kailangang marami o malaki ang maitulong mo dahil ang mahalaga ay makita ng langit na mahal mo ang iyong kapwa. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-13-23-36-39-45.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi nawawala sa iyo ang pag-aalinlangan, pero kung minsan, nakatutulong din ito. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-16-20-25-32-44.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Atras-abante ang iyong kapalaran. Sa unang tingin, hindi ito maganda, pero ang totoo, sa pag-atras at pagsulong ng mga alon sa dagat, nagiging kahanga-hanga ang tanawin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-18-22-27-37-41.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kapag mahina ang banat, halos walang talab. Kaya dagdagan mo ang puhunan mo upang makita mo ang mabilis na paglago ng iyong pinagkakakitaan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-18-20-26-34-44.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mas lalo pang yayaman ang mayaman, habang lalo namang maghihikahos ang mahihirap. Ano ang dapat mong gawin? Mahirap ka man o mayaman, kung saan ka sasaya, roon ka na lang muna. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-15-24-28-36-45.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi nahahadlangan ang pagdating ng araw at gabi. Kaya ituloy mo lang ang buhay anuman ang iyong nararanasan. Ang payo sa iyo ay sakyan mo lang ang agos ng kapalaran. Isang araw, pagkagising mo habang nakasakay sa alon ng kapalaran, matutuklasan mong mayamang-mayaman ka na pala. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-2-17-21-29-35-39.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung nasaan ka ngayon, huwag ka munang umalis. Kaya naman, hindi makabubuti sa iyo ang lumipat ng trabaho. Mas makabubuting manatili ka muna sa kasalukuyan mong ginagawa. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-13-25-27-30-43.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang mabibigla sa lihim ng iyong kapalaran, na nagsasabing manghiram ka ng suwerte sa iba at magugulat ka, dahil ang kakaibang suwerte ay mapapasaiyo na! Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-11-19-23-31-38.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page