top of page

Horoscope | Pebrero 8, 2026 (Linggo)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | February 8, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Pebrero 8, 2026 (Linggo): Susuwertehin ang mga taong didikit sa iyo. Masuwerte ka ngayon, pero mas maganda kung uunahin mo ang iyong sarili.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Masarap tumulong sa iba, pero kung magiging pabigat lang naman sila sa iyo, layuan mo na lang sila. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-11-22-28-33-40.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mahirap paniwalaan pero ang suwerte mo ay magmumula sa isang tulad mo ring mahiyain na itutulak para kumilos. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-10-14-20-26-36-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang mag-alinlangan ngayon at kumilos ka lang nang kumilos. Sa katunayan, nagiging positibo ang buhay ng taong kilos nang kilos dahil nakakakita siya ng pag-asa. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-19-21-27-30-44.


CANCER (June 21-July 22) - Kaya ka nahihirapan dahil pilit mong sinisiksik sa buhay mo ang taong wala namang ambag sa buhay mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-17-25-29-34-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit hindi mo gusto, pakisamahan mo ang iyong kinabubuwisitan. Mahirap man paniwalaan, pero malilipat sa iyo ang ilan sa mga suwerte niya. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-13-16-24-27-45.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kakaiba ang kapalaran mo ngayon. Kaya magdagdag ka ng mga lumang gamit na makakatulong sa pagbabago ng takbo ng buhay mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-12-25-32-36-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kailangan mo ngayong makadinig ng masasayang kuwento kahit na hindi totoo. Dahil noon pa man, kapag masaya ka, ang buhay mo ay gumaganda. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-15-22-28-37-43.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mabilis ang ikot ng mundo. Kaya hindi ka maiiwan ngayon, lalo na kung susunggaban mo nang mabilis ang mga oportunidad na nasa iyong harapan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-13-20-27-32-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pabalik-balik lang ang mga pangyayari lalo na kapag may hindi natapos. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-18-21-26-39-44.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito. Ang mga pangyayari ay papabor sa mga kagustuhan mo. Simple lang ang kailangan mo gawin at ito ay ang kumilos. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-10-17-23-33-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Pakitaan mo pa rin ng maganda ang mga taong walang ginawa kundi ang pintasan ka. Sa huli, mauunawaan nila na sila ang mali. Kaya gagawin nila ang lahat upang makabawi sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-1-19-29-35-38-45.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong tanggihan ang tulong na mula sa malayo. Ito ang tandaan mo ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-11-16-24-30-41.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page