top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Horoscope | Pebrero 8, 2023 (Miyerkules)

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 8, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Pebrero 8, 2023


Sa may kaarawan ngayong Pebrero 8, 2023 (Miyerkules): Ginagarantiyahan ng iyong kapalaran na ikaw ay sobrang yayaman. Hindi masasayang ang iyong mga pagsisikap at paghihirap. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lihim kang inaalalayan ng langit para mapasaiyo ang malalaking ambisyon mo sa buhay. Kaya walang dahilan kung bakit hindi ka yayaman. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-9-17-20-23-31-32.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dumadaan ka sa pagsubok upang maging matibay at malakas ka. Sa huli, makakaya mo at hindi masasayang ang malalaking suwerte na inilaan sa iyo ng langit. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-21-25-30-41-43.

GEMINI (May 21-June 20) - Kung aaminin mo, ikaw ay kapos sa pagiging seryoso dahil ang isa pang maaaring hindi mo aminin ay pababago-bago ka ng isip. Tutok ang lagi mong kailangan sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-14-16-25-38-42.

CANCER (June 21-July 22) - Pag-aralan mo kung paano mo makokontrol ang iyong emosyon. Ang taong kontrolado ang sarili ay may kakayahang kontrolin ang buhay niya, gayundin ang buhay ng ibang tao. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-18-23-26-35-37.

LEO (July 23-Aug. 22) - Bakit umaasa ka sa kapwa mo? Sa langit ka umasa at kumapit dahil tiyak na hindi ka mabibigo. Samantala, ang umaasa sa kapwa ay kadalasang sumasama lang ang kalooban. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-25-28-30-3-35.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Labanan mo ang lungkot, inis at galit sa nakagawa sa iyo ng pagkakamali. Kapag maganda ang iyong isip, gaganda rin ang takbo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-18-21-24-26-34.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Tukso rin ang udyok na biglaang pagpapalit ng hanapbuhay. Kaya dapat ay ihanda mo na ang iyong sarili bago ka maghanap ng ibang pagkakakitaan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-14-15-21-22-38.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sapat ang talino at kaalaman na nakuha mo sa iyong mga karanasan para gumanda ang iyong buhay. Huwag kang matakot sa mga biglaang pagbabago ng takbo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-17-29-30-37-42.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Sasama lang ang loob mo kapag nagpatulong ka. Sobrang matutuwa ka ‘pag ikaw ay mag-isa. Gayundin, mamamangha ka sa magiging diskarte mo sa proyektong nasa harapan mo ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-22-25-26-35-44.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Malalaking suwerte ang nag-aabang sa landas ng buhay na iyong nilalakaran, kaya huwag kang hihinto, anuman ang iyong nararanasan ngayon. Ito ang paalala sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-17-24-25-30-31.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Akala mo ay hindi mo makukuha ang iyong gusto. Akala mo ay hindi nakikiayon sa iyo ang mga kaganapan. Marami ang nag-akala tulad mo, pero sa huli ay nagtatalon sa tuwa. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-10-12-23-31-35.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi biro ang magtanim dahil maghapong nakayuko. Ganundin ang pamamasukan, maghapong gumagawa at nagpapagod. Ngayon, bibigyan ka ng pagkakataong makapagsarili, sunggaban mo agad dahil uunlad ka. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-11-16-29-30-33.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page