Horoscope | Pebrero 7, 2026 (Sabado)
- BULGAR

- Feb 7
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | February 7, 2026

Sa may kaarawan ngayong Pebrero 7, 2026 (Sabado): Kabilang ka sa may mayamang imahinasyon. Puwede mo itong mapakinabangan sa paglikha ng mga obra maestra, kung saan makakaani ka ng tagumpay at kayamanan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mag-ingat ka sa sarili mo, dahil may babala na ikaw mismo ang dadaya sa sarili mo. Mas mabuti kung pakikinggan mo rin ang payo ng mga malalapit sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-10-18-25-33-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mapapalapit ka sa isang nasa malayo na sa una ay todo-iwas ka, pero habang lumalakad ang mga araw, ang pag-iwas mo ay nawawala rin. Kusa kang didikit at lalapit sa kanya. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-19-22-30-32-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Ituloy mo ang dati mo nang mga plano. Ang mga bagong papasok sa isip mo ay malabong magkatotoo na kung mangyari man ay wala ring talab sa buhay mo. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-5-14-24-34-36-41.
CANCER (June 21-July 22) - Wala kang pakikinggan ngayon kundi ang sarili mo. Mapapahiya ang mga magpapayo, aawat at hahadlang sa mga kagustuhan mo, gayunman ilagay mo pa rin sa isip mo na mahal ka nila. Masuwerteng kulay-ocher yellow. Tips sa lotto-1-17-20-31-35-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ito ang panahon na itatalang pinakamapalad, dahil lalapit sa zodiac sign mo ang suwerteng planetang Jupiter. Kahit ano’ng hilingin mo, tiyak na mangyayari at magkakatotoo. Masuwerteng kulay-teal green. Tips sa lotto-4-9-12-26-30-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magara ang kapalaran mo ngayon dahil nakamasid sa iyo ang mata ng langit at nakabukas din para sa iyo ang bintana ng mga biyaya na handang ibigay ang mga kahilingan mo. Ito ang mensahe para sa iyo sa ngayon. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-6-19-28-33-39-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Itutok mo pa rin sa ibang bagay ang iyong atensyon. Sa ganitong paraan, giginhawa ang pakiramdam mo at hindi na maaapektuhan ang iyong damdamin. Ito ang paalala para sa iyo. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-5-14-16-25-34-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dahan-dahan ka na ring matatauhan. Hindi magtatagal ay makakabalik ka na sa reyalidad, kung saan ay mas masarap mabuhay kahit may mga problemang kinakaharap. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-1-12-15-27-36-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kahit nag-aalinlangan at nagdadalawang-isip ka, huwag ka pa ring panghinaan ng loob. Matagal nang nagpasya ang nasa Itaas at ang napagpasyahan—anumang ambisyon na pangarapin mo ay tiyak na ipagkakaloob sa iyo ng langit. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-6-11-20-24-31-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Langit mismo ang gagawa ng mga bagay na hindi mo kayang gawin. Ito ang regalo sa iyo dahil pinanatili mo ang sarili mo sa tama at matuwid na landas. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-2-16-22-32-37-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Wala kang dapat gawin ngayon kundi ang magpasalamat sa Itaas. Ito ang tandaan mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-18-23-26-35-43.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Higit sa inaasahan mo ang darating. Kung noon ay laging naaantala ang suwerte at pagdating ng magandang kapalaran, ngayong panahon ng taglamig, iinit ang kapalaran mo at mabilis kang susuwertehin. Masuwerteng kulay-dirty white. Tips sa lotto-8-13-21-28-30-44.






Comments