Horoscope | Pebrero 7, 2023 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Pebrero 7, 2023
Sa may kaarawan ngayong Pebrero 7, 2023 (Martes): Ginarantiyahan ng araw ng iyong pagsilang na malayo ang mararating mo sa buhay. Ibig sabihin, ikaw ay makapangingibang-bansa, yayaman at magtatagumpay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Makikinabang ka nang malaki kung ang kasalukuyang negosyo mo ay isasaayos at bibigyan mo ng bagong mukha mula sa iyong magagandang ideya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-10-13-28-29-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ito ang araw na inilaan ng langit upang ikaw ay pasayahin. May bago at masarap na romansa kang mararanasan. Sa pinansyal na aspeto, hindi mo rin inaasahan na may malaking halaga ng salapi na darating. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-14-17-21-24-44.
GEMINI (May 21-June 20) - Nagbababala ang araw na ito na ang pagbabago ng isip ay magreresulta sa pag-atras ng magagandang kapalaran na sana ay nagdaratingan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-3-17-20-27-35-43.
CANCER (June 21-July 22) - Pakinggan mo ang malalapit sa buhay mo. Mas kilala ka niya kaysa sa pagkakakilala mo sa iyong sarili. Ito ang katotohanan sa buhay, gayundin, ito ang payo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-1-17-21-26-35-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Bumabagsak ang nasa itaas at nangyayari ito dahil hindi nakasayad ang kanilang mga paa sa lupa. Huwag mo silang tutularan. Palagi kang magpakumbaba at iwasan mong magyabang. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-20-21-26-39-43.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Imbakan ka ng magagandang ideya dahil hindi ka mauubusan ng mga pananaw na magpapaunlad sa iyong buhay. Isabuhay mo ang kahit isa sa mga ito nang ikaw ay yumaman. Masuwerteng kulay-magenta. Tips sa lotto-19-28-31-32-36-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong hayaan na makialam sa buhay mo ang ibang tao. Sino ba sila? Hindi ka naman nila totoong kakilala. Ikaw lang at walang iba ang tunay na nakakakilala sa iyong sarili. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-6-16-22-25-37-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Manahimik ka sa harap ng pintasero, gayundin ‘pag ikaw ay sinisiraan. Kapag sinunod mo ang mga ito, sila ang mapipintasan, habang ikaw ay patuloy na susuwertehin at itataas ng langit. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-10-25-29-33-39.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nakakagulat ang magiging takbo ng iyong buhay dahil habang sinasalungat ka ng marami, lalong umuunlad ang iyong kabuhayan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-11-16-17-25-26.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Madadama mo na mahina ka at para kang walang lakas na matupad ang iyong pangarap. Ito ay isang pandaraya sa iyong sarili. Gayundin, ito ay mali at hindi totoo ang nadarama mo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-7-18-20-21-24-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lumilipas ang lahat sa ibabaw ng mundo. Lilipas din ang kalungkutan mo, kaya tumindig ka at harapin mo ang kaligayahang papalapit sa iyo ngayon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-1-19-28-33-32-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Susuwertehin ka ngayon. Sino naman ang mamalasin? Sino pa nga ba, kundi ang mga kontrabida sa buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo at sa darating pang mga araw. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-4-18-29-30-31-45.




Comments