Horoscope | Pebrero 6, 2026 (Biyernes)
- BULGAR

- 14 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | February 6, 2026

Sa may kaarawan ngayong Pebrero 6, 2026 (Biyernes): Magkamali ka man ng desisyon, pagagandahin at itutuwid pa rin ng nasa Itaas ang iyong landas.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pagiging masayahin ang susi sa iyong mga pangarap. Kaya anuman ang hirap na iyong pinagdaraanan, ngumiti ka pa rin. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-16-20-23-34-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pagbigyan mo ang mapanlamang mong kaibigan, dahil minsan hindi naman pagbagsak mo ang gusto niyang makuha. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-17-25-30-35-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Maging mabait ka sa mga bago mong kaibigan. Sa ganitong paraan, titibay ang inyong pagsasama. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-14-28-33-37-42.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong ikagulat kung maging mabait ang iyong kaaway. Siya ay lihim na nakatanggap ng utos na kailangang magkaayos muna kayo para dumating na sa inyo ang mga suwerte. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-13-26-29-31-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Magagandang ideya ang maglalabas-masok sa isip mo. Anuman ang mapili mo, gawin mo na agad. Sa ganitong paraan, tiyak ang iyong pag-unlad. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-8-15-20-27-39-43.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magsuot ka ng maganda upang hangaan ka. Ito ang magsisilbing susi upang bumukas ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-18-22-28-30-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Harapin mo na ngayon ang iyong kaaway. Dahil uulanin ka ngayon ng suwerte at magagandang kapalaran na iyong maipanlalaban sa mga kontrabida. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-11-23-36-38-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kunin mo lang ang kailangan mo. Sa ganitong paraan, hahangaan ka ng iba. At sa tuwing lalapit ka, hindi sila makakatanggi dahil nga sa nabuong paghanga nila sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-13-25-29-31-43.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Malakas ngayon ang pangungumbinsi mo, kahit pa matigas ang kanilang damdamin, mapapasunod mo pa rin sila. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-12-18-27-39-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong higpitan ang sarili mo. Hindi gusto makita ng mga tao na pati ang iyong sarili ay pinagdaramutan ng kasiyahan. Samantala, ang taong nagsasaya, gumagaan ang pakiramdam at gumaganda ang kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-16-22-28-33-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ang pagiging magaling sa una ay nakakatuwa, ngunit ilang sandali lang ay mananawa ka rin. Ang pag-amin mo ay susi sa iyong pagbabago. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-19-26-32-35-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ngayon mo na maiisip ang negosyong papatok ngayon. Kaya naman, sunggaban mo na agad ito! Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-11-21-25-38-45.







Comments