Horoscope | Pebrero 6, 2023 (Lunes))
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Pebrero 6, 2023
Sa may kaarawan ngayong Pebrero 6, 2023 (Lunes): Pansamantala lamang ang pagdating ng hindi magagandang kapalaran dahil hindi puwedeng hindi ka mabuhay sa kasaganaan at kaligayahan. Ito ang mensahe ng iyong kaarawan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magkakatotoo ang naiisip mo. Hindi mo rin inaasahan na halos lahat ng pinlano mo noong nakaraang taon ay isa-isang natutupad ngayon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-9-14-22-34-40.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mabilis mong gawin ang mga plano na binuo mo noon nang sa gayun ay mabawi mo ang mga nawalang araw sa iyo. Tinitiyak ng langit na limpak-limpak na salapi ang mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-6-12-18-21-24-39.
GEMINI (May 21-June 20) - Tinatalo ka ng sobrang pagkainip. Iwasan mo na ang iyong inip ay maging pagkabagot dahil kapag nangyari ‘yun, mawawala ka sa wisyo at tamang diskarte sa buhay. Ito ang paalala sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-18-23-28-31-42.
CANCER (June 21-July 22) - Kumapit ka sa iyong pagiging matiisin. Ang totoo ay marami ka nang pinagdaanang hirap at pagtitiis sa buhay, kaya ang kasalukuyang hirap ay iyo ring malalagpasan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-11-20-26-35-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Inuutusan ka ng nasa itaas na tumulong pa kahit nagsasawa ka na. Nakamasid sa iyo ang langit. Muli, ang gantimpala mo ay malalaki at marami kaysa sa mga nakaraang napasaiyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-19-28-37-40-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Malaya ang isip mo, katawan lang ang kapos sa kalayaan. Ang malayang kaisipan ay mapapakinabangan mo sa pamamagitan ng magagandang ideya na mabubuo mo ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-14-23-27-31-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ayaw pumasok ng iyong suwerte dahil masama ang loob mo sa iyong mga kasama sa bahay. Itakwil mo ang galit at pairalin ang pagpapatawad upang pumasok ang suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-12-24-39-40-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang mangamba, may mga kaibigan ka na handang umalalay sa iyo. Hindi mo sila dapat tanggihan dahil sila ay may dalang suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-16-24-29-35-43.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kapag sama-sama, mas malakas kaysa sa nag-iisa. Malakas ka, pero mas lalakas ka pa kapag ang iyong mga abilidad ay isinama mo sa kakayahan ng iba. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-9-15-22-39-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lumaban ka. Ang buhay sa mundo ay tungkol sa pakikipaglaban. Ang ayaw lumaban ay napabibilang sa mga talunan. Hindi ka isinilang na talunan, ikaw ay isinilang upang manalo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-19-26-31-37-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakatuwa ang balita na hindi ka masyadong mananatili sa bahay. Sa susunod na mga araw, pagkakataon mo na muling gumimik at umarangkada. Ito ang magandang balita para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-13-17-22-29-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kapag walang gaanong aktibidad ang tao, dapat siyang bumalik sa nakaraan nang sa gayun, sa kanyang pagbabalik sa nakaraan at pagtatama ng mga pagkakamali, siya ay tiyak na magtatagumpay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-11-16-28-34-42.




Comments