Horoscope | Pebrero 5, 2026 (Huwebes)
- BULGAR

- 2 days ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | February 5, 2026

Sa may kaarawan ngayong Pebrero 5, 2026 (Huwebes): Negosyo ang tunay na magpapayaman sa iyo. Puwede rin naman sa ibang hanapbuhay, pero itutulak ka pa rin ng iyong kapalaran sa pagnenegosyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Sumabay ka lang sa agos ng iyong kapalaran, dahil dadalhin ka nito kung saan maabot mo ang rurok ng iyong tagumpay. Ito ang mensahe sa iyo sa araw na ito. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-10-15-29-38-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Isuot mo na ngayon ang paborito mong kuwintas sa loob at labas ng bahay. Sa pamamagitan nito, susuwertehin ka na. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-5-17-25-27-34-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Pagpapalain ka ngayon, kahit pa wala kang gawin, dahil noon pa nagpasya ang langit na bigyan ka ng magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-13-19-26-33-40.
CANCER (June 21-July 22) - Magsuot ka ng kumikinang na damit upang dumapo sa iyo ang magandang kapalaran, at huwag mo ring kalilimutan na ang iyong mga labi ay dapat may ngiti, kahit matipid na ngiti lang. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-2-17-20-27-37-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Madali kang maiimpluwensyahan ngayon ng mga taong nakapaligid sa iyo. Pero tandaan mo, huwag na huwag mong kalilimutan na mas mahalaga ang kinabukasan kesa sa masasayang kasalukuyan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-18-28-32-38-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi makakasingit ngayon ang mga suwerteng gustong dumapo sa iyo, dahil ayaw mong huminto sa kaiisip kung ano ang gagawin mo sa buhay mo. Pagpahingain mo rin ang iyong isipan, at ikilos mo ang iyong mga kamay. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-7-14-16-20-35-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sanayin mo ang sarili mo na maraming nagkakagusto sa iyo, ngunit hindi ka dapat masanay na higit sa isa ang karelasyon mo. Ito ang paalala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-15-21-24-37-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nakatago pa ngayon ang mga suwerte mo. Kaya mas mabuting kung ipapaubaya mo muna sa kapalaran ang mga pangyayari. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-11-19-28-30-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pagkatapos ng masungit na panahon, palaging may haring araw. Kaya pagkatapos mong mahirapan at masaktan, tiyak na makakaranas ka ng kasaganaan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-10-25-33-38-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Maglalapitan sa iyo ang mga suwerte kapag ikaw ay palaging masaya, at lalayo naman ito kapag patuloy mong niyakap ang kalungkutan. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-8-12-20-22-37-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lumayo ka sa mga reklamador, iyakin at kontrabida, dahil posible kang mahawa sa kanila, at baka pumangit din ang ugali mo tulad nila. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-16-18-27-34-43.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mapapasaiyo ang mga suwerte na pinabayaan ng iba. Nangyari iyon dahil aakalain nilang walang kuwenta at hindi iyon makakatulong sa kanila. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-9-13-23-26-35-44.







Comments