ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Feb. 5, 2025

Sa may kaarawan ngayong Pebrero 5, 2025 (Miyerkules): Magnegosyo ka ngayon. Ito ang magdadala sa iyo ng kayamanan at ito rin ang lihim na dahilan kung bakit hindi ka nagtatagal sa pamamasukan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Maging alerto ka! Sa mabilis na kaganapan, mas aabante ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-18-20-23-33-44.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kausapin mo muna ang mga taong pinagkakatiwalaan mo. Gayunpaman, mag-ingat ka dahil puwede ka nilang madala sa mabubulaklak na salita. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-25-30-35-41-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Magpasalamat ka palagi sa itaas. Dahil muli kang makakaranas ng mga suwerte, habang mapapahiya naman ang mga taong nag-aakalang sila ay suwerte. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-8-14-29-34-40.
CANCER (June 21-July 22) - Mahina ka ngayon, kaya naman mapapa-oo ka sa hindi mo naman gusto. Subalit, sa ibang araw ay lalakas ka naman, kaya ang mga bagay na hindi mo gusto ay matatakasan mo rin. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-17-22-31-43-52.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kikita ka sa mabilisang paraan, kung hahabaan mo ang iyong pasensiya sa paghihintay, maaari pang lumaki nang lumaki ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-13-28-36-41-55.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kapag napasaiyo ang suwerte, hawakan mo agad ito. Pero kung ilalagay mo naman ito sa negosyo, luwagan mo ang iyong pagkakahawak. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-16-24-38-43-51.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Dumating na ang araw para sa bago at masayang pakikipagsapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-23-28-36-44-54.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hawak mo ang alas. Kaya naman, labanan mo ang mga hamon ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-10-14-26-32-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ubod ng kapal ang kaban ng iyong yaman. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-12-18-21-33-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Limitahan mo ang iyong pagkilos sa pagpapalago ng negosyo at huwag kang mangialam sa buhay ng iba. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-18-25-39-40-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Anuman ang binabalak mo, ituloy mo ito kahit pa pabagu-bago ang iyong desisyon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-13-17-25-31-46.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang matakot na sumugal sa negosyo. Kung dati ay hindi ka binubuwenas, puwes iba na ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-6-21-37-39-44.
Comments