top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Horoscope | Pebrero 5, 2021 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 5, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| February 5, 2021



Sa may kaarawan ngayong Pebrero 5, 2021 (Biyernes): Bilis ang sandata mo para sa lahat ng iyong pangarap. Ang anumang pag-aalinlangan ay hindi makabubuti para sa iyo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gawin mo agad ang gusto mong gawin. Ito ang susi upang hindi ka masingitan ng iyong mga karibal at lihim na kaaway. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-20-24-39-41-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Marami ang hahadalang sa kagustuhan mo. Huwag mo silang pansinin at magbingi-bingihan ka. Ang nagtatagumpay na ay talagang nagkaroon ng maraming kontrabida. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-19-20-26-30-34.

GEMINI (May 21-June 20) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang ilang araw pang darating. Ngayon ang pagkakataon para iwan mo nang milya-milya ang iyong mga kakumpitensiya at karibal. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-17-20-23-39-46.

CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang magdududa sa kakayahan mo. Ang mas maganda ay magduda ka sa kakayahan ng iyong mga kalaban nang sa gayun ay magawa mong sumugod at sila ay talunin. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-10-21-25-26-37-43.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kung naniniwala kang malakas ka sa itaas, hindi mo kailangan ang sinuman para gumanda ang iyong buhay. Tiwala lang sa sarili at sa Dakilang Maylalang ang iyong kailangan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-16-22-25-31-38.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Suwerte ka ngayon. Para mapatunayan mo ito, makipagsapalaran ka. Gayunman, kahit hindi mo gawin, ang suwerte ay maglalapitan sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-13-18-23-24-39-44.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kumilos ka nang masaya kahit may lihim kang lungkot. Tulad noon, kapag masipag ka, ang magagandang bagay ay nagdaratingan sa buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-10-14-16-33-37.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Buksan mo ang iyong puso sa kaaway mo. Walang magagawa ang sinuman kapag ang pag-ibig ay ginamit na sandatang panlaban sa kanya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-17-20-21-27-35.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung sino ang masigla, siya ang kailangan mo. Wala kang mapapala sa matatamlay at walang kabuhay-buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-16-23-36-40-43.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Itutulak ka ng iyong sarili na gawin ang gusto mong gawin. Ito ay nagsasabing hindi ka mabibigo. Kapag nagpatuloy ang iyong kaduwagan, walang mangyayari sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-10-12-15-30-38.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi ka mapapakali dahil parang sobra ang iyong sigla. Ito ay senyales na ang magagandang kapalarang hinihintay mo ay darating na sa iyong harapan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-12-14-23-30-31.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Suwerte ka sa negosyo, kaya negosyo ang iyong tutukan. Huwag mo nang pagkaabalahan pa ang ibang bagay nang hindi makalagpas sa iyo ang magandang balitang ito. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-18-20-24-36-42.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page