Horoscope | Pebrero 4, 2026 (Miyerkules)
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | February 4, 2026

Sa may kaarawan ngayong Pebrero 4, 2026 (Miyerkules): Huwag mong pansinin kung pakiramdam mo ay walang nakakaunawa sa iyo. Ang tutukan mo ngayon, kung paano pauunlarin ang buhay mo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kumuha ka ng taong makakatulong sa iyo para mapalago mo ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-11-19-25-34-38.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ituloy mo lang ang gusto mong gawin. Bakit ka magpapaapekto sa kung anu-anong sinasabi ng mga kontrabida? Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-15-17-22-36-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi naman naawat ang kamay ng orasan. Kaya hindi ka dapat labis na magpakapagod. Kailangan mo rin ng kaunting pahinga. Gawin mo na ngayon! Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-10-18-29-31-40.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong guluhin ang iyong isipan sa kakatanong kung bakit nangyayari ang mga nararanasan mo. Ang tapos na ay tapos na. Harapin mo ang iyong mga bagong umaga. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-16-20-23-33-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Lalong tumatahol ang aso kapag siya ay pinapansin. Kaya huwag mong bigyang-pansin ang mga naiinggit lamang sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-12-24-30-32-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Walang nananalo sa debate; nauubos lamang ang mahahalagang oras. Sa pagkilos, nakikinabang ang tao dahil umaabante ang kanyang buhay. Kumilos ka, dahil ito ang mas mabuti para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-14-16-27-32-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit pa mawalan ka ngayon, ngumiti ka lang. Dahil ang isa sa mga kondisyon para ikaw ay suwertehin ay ang paglamangan ka ng iyong kapwa. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-18-21-35-37-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Muling nagbalik ang mga araw na kung kailan mararanasan mo ang parada ng magagandang oportunidad sa iyong harapan. Anuman ang mapili mo, ikaw ay aasenso. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-11-25-31-39-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kumilos ka ayon sa kagustuhan mo. Hindi maganda kung kikilos ka ayon sa kapritso ng iba. Hindi ka alipin at hindi ka rin tagasunod sa kagustuhan ng ibang tao. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-8-12-22-29-38-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Muling nagbalik ang mga araw na kung kailan nagkukubli sa mga hindi magagandang pangyayari ang naglalakihang suwerte mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-13-23-28-38-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Iyung-iyo ang araw na ito. Hinihintay na ng langit ang kahilingan mo. Pagbibigyan ka kahit pa napakaimposible ng kahilingan mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-16-20-26-34-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magkunwari kang mahina nang sa gayun ay maliitin ka ng iyong mga karibal. Sa ganitong paraan, hindi nila mapapansin na malaki na ang agwat mo sa kanila. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-10-19-25-37-43.







Comments