top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | Pebrero 4, 2023 (Sabado)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Pebrero 4, 2023


Sa may kaarawan ngayong Pebrero 4, 2023 (Sabado): Huwag kang magpapadala sa iyong emosyon, lalo na kapag may naninira ng araw mo. Sa pagiging mahinahon, ang mga suwerte ay tiyak na darating sa iyo. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Maghanda ka sa mga araw na ang malalaking suwerte ay darating sa buhay mo. Ang hindi nakahanda ay nagsasayang lang ang mga biyaya na dumarating sa buhay niya. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-19-20-29-30-32.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Makakadama ka na napakaraming kumokontra sa iyo, pero lahat sila, sa huli ay aayon sa gusto mo. Makikita nila na ang langit mismo ay totoong nasa panig mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-12-27-28-31-35-36.

GEMINI (May 21-June 20) - Magsisimula sa maliliit na suwerte ang pagdating ng mga araw na ikaw ay mapalad at ito ay ngayon na. Gayundin, susundan ito ng mga nakakagulat at nakakamanghang pangyayari. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-15-22-25-29-34-41.

CANCER (June 21-July 22) - Nakita ng langit na hindi maganda ang layunin ng isang biglang lumapit sa iyo. Kahit magkalapit na kayo, gagawa ng paraan ang langit upang magkalayo kayo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-12-23-38-40-41-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi nabubuhay nang masaya ang tao kapag siya ay nag-iisa. Ito ang isip-isipin mo. Makakabuti na mamili ka ng mga taong alam mong hindi ka dadayain at lolokohin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-18-20-26-28-34.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Timbangin mo ang bawat opinyon na iyong maririnig. Hindi maganda na dahil lang umaayon sa kagustuhan mo ay paniniwalaan mo na. Ito ang paalala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-19-21-24-27-37.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nagtatago sa mga pangyayari na akala mo ay hindi pabor sa iyo ang malalaking suwerte mo. Simple lang ang gagawin mo at ito ay ang tanggapin nang maluwag sa loob ang mga ito. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-11-15-28-31-32.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Naghihintay lang ang langit na makita na buo na ang iyong loob. Kapag nangyari ito, ibibigay na ang malalaking ambisyon mo. Ang kailangan lang naman ay magtiwala ka sa iyong sarili. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-19-25-27-36-40.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ito ang araw na para sa iyo. Puwede ka nang humiling sa langit at anuman ang hilingin mo ay tiyak na matutupad. Ito ang masuwerteng balita ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-13-25-26-33-38-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong pansinin ang mga mapanghusga. Mas maganda na sila ay panoorin mo lang dahil sa bandang huli, masasaksihan mo na sila ang huhusgahan ng langit. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-7-20-21-23-35.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Gagana sa araw na ito ang paborito mong pampasuwerte. Ito ang iyong kuwintas na may palawit. Kapag suot mo ito, makakaasa ka na ang mga gusto mo ay kusang maglalapitan sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-22-24-39-40-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magugulat ka dahil biglang dadating sa iyo ang mga suwerte. Sa pagkabigla mo, sobra kang magsasaya. Huwag mong kalimutan na ang sobrang pagsasaya ay pag-aaksaya ng panahon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-25-28-37-39-40.


Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page