Horoscope | Pebrero 1, 2023 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Pebrero 1, 2023
Sa may kaarawan ngayong Pebrero 1, 2023 (Miyerkules): Aaani ka ng mga parangal, papuri at paghanga. Gayunman, iwasan mong masilaw sa sariling ningning ng iyong kapalaran. Ito ang paalala ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mamili ka lang ng ilan sa magagandang oportunidad na lalagay sa iyong harapan. Hindi puwedeng sunggaban mo ang lahat dahil masasayang ang mga ito kapag lahat ay ginusto mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-17-27-31-34-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Paparating sa iyo ang mga suwerteng hindi mo inaasahan bilang karagdagan sa mga suwerte na tinatamasa mo ngayon. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Ito ang masuwerteng balita para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-10-18-21-25-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Kikislap pa ang magagandang kapalaran na sumasaiyo. Ibahagi mo ang kislap ng buhay mo sa mga nawawalan ng pag-asa. Ito ay isang banal na misyon para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-21-27-30-34-42.
CANCER (June 21-July 22) - Ipadama mo ang tunay na damdamin mo. Hindi maganda kung may itinatago ka. Kapag pinipigilan ang damdamin, sa huli ay masasaktan at manghihinayang ka lang. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-16-14-29-32-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mag-utos ka at masusunod ka, ‘yan ang sikreto ng iyong kapalaran. Gayunman, kapag ikaw ang inutusan, hindi ka susunod dahil ang papel mo ngayon ay mag-utos at hindi maging tagasunod. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-11-16-21-33-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nagbabago ang lahat sa mundo, kaya may katwiran ka kung bakit ka nagbago. Ang pagbabago ay dapat papaganda at papabuti. Ito ang paalala sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-10-14-16-29-30.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ibahagi mo sa iba ang mga pagpapala na kaloob sa iyo ng langit. Kung mapapansin mo, tuwing nagbabahagi ka, lalo kang pinagpapala. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-19-21-27-35-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Gumamit ka ng ibang tao para paboran ka. Kumbaga, humanap ka ng paraan para makuha mo ang iyong gusto. Ito ang tunay na patakaran sa mundo, gayundin, ito ay ginagawa ng lahat. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-22-27-39-40-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung may balakid sa mga plano mo, huwag mo muna itong ituloy. Maghintay ka ng magandang tiyempo nang sa gayun ay mabilis na matapos ang iyong mga proyekto. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-3-12-28-30-38-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong intindihin ang ayaw kang unawain. Hindi mo obligasyon na maunawaan ka ng lahat. Gayundin, wala kang mali kapag hindi ka nagpaliwanag. Ito ang payo ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-17-25-29-37-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kulayan mo ang sarili mong mundo. Hayaan mong malungkot ang mundo ng iba dahil gaganda rin ang mga ito kung papasok sila sa iyong mundo. Muli, kulayan mo ang sarili mong mundo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-12-14-28-33-38-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Naiiwan ang ayaw humabol. Hayaan mong maiwan nang milya-milya ang ilan sa tabi mo na parang kuntento na sa pangkaraniwang buhay nila. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-17-25-31-38-41.




Comments