Horoscope | Pebrero 3, 2026 (Martes)
- BULGAR

- 7 minutes ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | February 3, 2026

Sa may kaarawan ngayong Pebrero 3, 2026 (Martes): Tumataas ang nasa ibaba, kaya magsimula ka sa ibaba. Ito ang payo ng iyong kapalaran nang sa gayun ay maabot mo ang pinakamataas na puwesto at tagumpay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bagung-bago ang takbo ng panahon ngayon. Kaya lang, pinapayuhan ka na sundin mo pa rin ang mga lumang tradisyon at pamamaraan, dahil ito pa rin ang susi mo sa pag-unlad. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-3-19-23-24-30-43.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dumikit ka sa mga taong angat ang buhay para umangat ka rin. Huwag kang didikit sa mga taong walang pangarap dahil mahahawa ka at baka hindi ka pa umasenso. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-18-20-34-35-44.
GEMINI (May 21-June 20) - Pabalik-balik lang ang mga pangyayari, tulad ngayon, magbabalik muli ang mga araw na kung saan ay magdadagsaan ang mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-11-16-23-37-40.
CANCER (June 21-July 22) - Kakaiba ka sa lahat. Mas mapapansin at makikita ngayon ang iyong tinatagong ganda. Isang magandang pangyayari ito sa buhay mo na may koneksyon sa iyong hinaharap. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-14-25-28-31-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Pakitaan mo ng maganda ang taong inis sa iyo. Magugulat ka, dahil ang mga suwerte niya ay mahimalang mapupunta sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-16-22-30-34-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Noon ang sabi, kapag dumikit sa palayok ay mauulingan. Sa ngayon, ang sasabihin ng mga nasa paligid mo ay kapag dumikit ka sa may magandang buhay, mas gaganda ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-7-12-23-32-39-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nalalagas ang mga lumang dahon para mapanatili ang ganda ng halaman. Kasabay nito, malalagas at mawawala rin ngayon ang ilang kaibigan mo na nakakasira sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-15-24-35-38-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kakaiba ang lakas ng katawan mo ngayon. Kung gagamitin mo ng lakas ang iyong pagsusumikap, mas lalo kang pagpapalain. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-9-13-18-20-37-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ito ang araw na bubuksan ng nasa Itaas ang bintana para sa iyo. Humiling ka at tiyak na ito ay matutupad. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-12-26-31-32-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Maaliwalas ang kalangitan ngayon kahit nakakasingit ang mga makakapal na ulap. Ang buhay mo ay ganu’n din, may makakasingit na mga problema, pero pansamantala lamang at ito ay muli na namang gaganda at magliliwanag. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-4-11-25-27-39-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Napansin mo ba ang nagsasayahang ibon? Mahirap paniwalaan, pero ang dahilan kung bakit sila masaya ay dahil may bago silang pag-ibig. Tulad ng ibon, magkakaroon ka rin ngayon! Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-14-28-30-36-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Masarap lumangoy sa agos ng tubig. Ikaw ay pinapayuhan na magpatangay sa agos ng iyong kapalaran. Kapag ginawa mo ‘yan, walang duda, masusumpungan mo ang iyong sarili na yakap-yakap ang iyong mga suwerte. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-1-15-20-29-34-41.






Comments