top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Pebrero 3, 2023 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 3, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Pebrero 3, 2023


Sa may kaarawan ngayong Pebrero 3, 2023 (Biyernes): Ginagarantiyahan ng araw ng iyong pagsilang na ang kasaganaan ay mapasasaiyo, sa ayaw at sa gusto mo. Sapagkat ito ang regalo mula sa langit dahil sa kabutihan ng iyong pagkatao.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi puwede na ihinto mo ang pagkilos para sa iyong pangarap. Mas mahalaga ang tuloy-tuloy na pagkilos kahit dumaraan ka ngayon sa mabibigat na pagsubok. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-20-25-30-33-36.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pasayahin mo ang iyong sarili ngayon. Sa buhay ng tao, hindi maganda kung hindi nagsasaya kahit paminsan-minsan lang. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-21-28-29-32-25

GEMINI (May 21-June 20) - Hinihintay ka na ng mga suwerte mo. Kung magagawa mo, huwag kang mag-isip ng kung ano-ano. Mas maganda na gawin mo agad ang mga unang plano na hindi mo pa naipapatupad. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-7-11-14-22-26-37.

CANCER (June 21-July 22) - Hindi maganda ang anumang sobra. Ngayon, mukhang nasobrahan ang pagpapakita mo ng pagtingin sa isang tao na bahagi na ng buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-17-18-28-34-38.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi naman kailangan ang maraming kaibigan para sumaya ka. Sapat nang makasama mo ang ilan sa dati nang nagpapasaya sa iyo. Ito ang paalala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-12-22-24-26-33-39.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Paramihin mo ang nasa iyo na. Magugulat ka dahil sobrang bilis ng iyong magiging pag-asenso. Muli, ang nasa iyo na ay paramihin mo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo ngayon. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-10-11-18-21-25-27.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ilabas mo ang tunay mong kakayahan. Hindi makakabuti sa iyo kung mananatiling nakatago ang ilang maganadang katangian mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-13-17-20-21-26-28.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pahinga ang kailangan mo ngayon. Huwag mo munang tutukan ang mabibigat na trabaho na nakakagulo sa isip at napapagod mong katawan. Ito ang mahalagang paalala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-9-13-14-29-30-32.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Gamitin mo ang iyong galing sa pagtutuos at hindi ka malulugi. Samantala, kung lalabis ang kumpiyansa mo, maaaring huli na bago mo malaman na wala ka nang kinikita. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-13-21-24-27-29-30.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi masama ang gumaya. Ang masama ay hindi mo gagayahin ang nakikita mong nagpapaganda sa buhay ng iyong mga kakilala. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-15-19-22-25-27-33.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung ano ang bago, dapat ay mayroon ka nito. Pero hindi mo dapat pahirapan ang iyong sarili para magkaroon ka ng mga bagong bagay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Mauswerteng kulay-magenta. Tips sa lotto-13-15-17-29-32-36.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magtanong ka muna sa mga may alam na. Hindi maganda sa tao ang nagmamarunong para lang masabi na mas angat siya kaysa sa iba. Muli, magtanong ka sa mga may alam. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-14-18-21-28-34-35.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page