top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Horoscope | Pebrero 3, 2021 (Miyerkules)

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 3, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| February 3, 2021



Sa may kaarawan ngayong Pebrero 3, 2021 (Miyerkules): Nakatakda kang humawak ng mga tao. Ito ay sa dahilang isinilang ka para mamahala at mamuno.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Igalang mo ang nasa ibaba nang sa gayun ay malaya mo silang mapasunod. Ito ang pormula para sa iyo upang mas mapalago mo ang iyong kabuhayan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-18-20-24-30-35.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Papaasenso ka pa, kaya hindi ngayon ang panahon upang huminto. Ituloy mo ang iyong pagsisikap dahil marami pang matatamis na bunga ng iyong kasipagan ang inilaan sa iyo ng langit. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-22-25-30-36-39.


GEMINI (May 21-June 20) - Piliin mo ang pagpaparaya kaysa sa hindi pagkakaayos. Higit kailanman, ang kailangan mo ay tahimik na magawa ang mga naunang plano sa pagpapayaman. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-18-29-31-36-38.


CANCER (June 21-July 22) - Magkunwari kang ikaw ay wala at magkakaroon ka. Umasta kang mayroon at mawawalan ka. Simple lang ang pormula upang madagdagan ang yaman mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-19-20-25-28-39.

LEO (July 23-Aug. 22) - Titingalain ka ngayon at bibigyan ng pagkakataon na pamahalaan ang isang negosyo kung saan ang paglago ay nakasalalay sa iyong mga kamay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-11-16-28-32-34.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dahil sa iyong kakaibang talino, tataas ang iyong ranggo. Dahil sa kawalan mo ng interes na sumikat, magdadalawang-isip ka kung ito ay tatanggapin mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-5-9-13-17-21-28.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakasalalay sa iyong mga kamay ang pagtaas ng ranggo ng ilang taong mahalaga sa buhay mo. Kapag pinairal mo ang iyong emosyon, ang iba sa kanila ay hindi pa aasenso. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-19-24-26-39-43.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nagbabago na ang simoy ng hangin. Kailangan mo ring magbago ng mga prayoridad sa buhay kung saan ang mas maganda ay bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mo na sumaya. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-10-25-27-30-36.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang mainip. Kumukuha ng malakas na buwelo ang iyong mga suwerte tungkol sa pansarili mong kaligayahan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-23-26-39-40-44.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sunggaban mo ang alok sa iyo para sa mas mataas na puwesto. Huwag mong isipin na hindi mo kakayanin dahil ang lahat naman ay halos walang sapat na kaalaman sa umpisa. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-10-13-21-33-38.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mahirap tanggapin ang nakatutuwang katotohanan sa buhay mo ngayon kung saan ikaw ay umaabante, hindi dahil sa iyong galing o husay kundi dahil sa iyong malakas na karisma. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-17-20-29-38-45.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ngayon ang pagkakataon mo para mapaunlad pa ang iyong buhay. Ang paalala ay ang tao ay dapat nakatutok sa pagpapaganda ng kinabukasan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-10-15-18-24-25.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page