Horoscope | Oktubre 13, 2026 (Martes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | October 13, 2026

Sa may kaarawan ngayong Oktubre 13, 2026 (Martes): Marami ang mananamantala sa suwerte mo. Kaya tiyak na marami rin ang yayaman dahil sa iyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Makadarama ka ng kalungkutan ngayon kahit na wala ka namang sapat na dahilan para malungkot. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-19-22-28-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mo nang hanapin ang nawala. Ituon mo ang sarili mo sa mga paparating na magagandang bagay na magdadala sa iyo ng suwerte at magbibigay ng sobrang kaligayahan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-13-17-23-35-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong pansinin ang mga nagpapapansin. Sayang lamang ang oras mo sa kanila. Tandaan mo na ang mga ito ay maaaring negatibong tao na sisira sa diskarte ng mga positibong tao. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-10-13-22-32-41.
CANCER (June 21-July 22) - Sarili mo ang kalaban mo sa mga araw na ito. Upang magtagumpay, iwasan mong pairalin ang sarili mong kagustuhan kung alam mong hindi ito makabubuti sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-14-20-25-34-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Magaganap ang ayaw mo, pero magugulat ka dahil mapapasaiyo ang suwerte. Mapapatunayan mo at masasabi mong mas mabuti pala ang kagustuhan ng langit kaysa sa kagustuhan ng tao. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-4-17-21-29-37-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang makipagsabayan. Isagawa mo ang gusto mo sa lihim na paraan. Sa ganitong paraan, magugulat ang lahat dahil malayo na pala ang narating mo at milya-milya mo nang nalampasan ang mga karibal mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-18-26-30-36-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang humingi ng tulong sa taong hindi mo pa gaanong kakilala. May mga tago at lihim itong motibo na hindi mo nakikita, at sa huli, maaari kang mabiktima ng patibong nito. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-10-15-28-39-43.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dagdagan mo pa ang iyong kaalaman upang hindi ka malugi sa negosyong papasukin mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-12-25-35-38-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mag-ingat ka! Nagkalat ngayon ang mga taong may lihim na galit sa mundo. Suriin mo munang mabuti ang pagkatao ng mga gustong makipagkaibigan sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-13-24-27-30-37.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lihim kang matutuwa kapag nakaporma laban sa iyo ang kaaway mo. Ang totoo, bahagi ito ng iyong kapalaran bago mo matanggap ang malalaking suwerte sa buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-11-16-20-23-43.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mapapansin mong kahit namumuhay ka nang masaya, may kulang pa rin sa buhay mo. Ito ay ang tunay na ligaya na hindi nagmumula sa mga materyal na bagay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-17-22-26-31-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kumuha ka ng lakas ng loob mula sa mga hamon ng kapalarang napagtagumpayan mo. Ito ang magsisilbing panangga mo sa mga pagsubok na nasa harapan mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-10-21-32-36-44.



Comments