top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Pebrero 28, 2026 (Sabado)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 28
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | February 28, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Pebrero 28, 2026 (Sabado): Marami ang maiinggit sa iyo dahil aakalain nila na sobrang lakas mo sa langit, na para bang pinupulot mo lang ang mga suwerte.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ibahagi mo sa iba ang mga suwerteng hindi mo naman kailangan. Sa ganitong paraan, mas lalo ka pang pagpapalain ng langit. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-6-10-14-29-34-44.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ipinapaalala sa iyo ngayon na kapag ang tao ay masaya, ang kapalaran ay gumaganda. Kaya lumayo ka sa mga taong iyakin, reklamador at kontrabida. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-15-17-27-35-40.


GEMINI (May 21-June 20) - Mamili ka ng isa sa mga oportunidad na nasa iyong harapan. Hindi puwedeng lahat ay gugustuhin mo, dahil mawawalan ng saysay ito. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-9-16-20-24-31-43.


CANCER (June 21-July 22) - Ikaw ang panalo kapag pinaglaban mo kung ano ang gusto mo. Masuwerteng kulay-teal green. Tips sa lotto-7-11-19-25-30-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Parang mga patak ng ulan na nag-uunahang sumayad sa lupa ang mga suwerteng darating sa iyo. Huwag mong sayangin ang mga ito, bagkus sunggaban at mahalin mo ito. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-1-18-21-26-36-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mawawalan ng lakas ang iyong mga kalaban at karibal dahil mauubos iyon sa kaiisip kung paano ka tatalunin. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-8-13-28-32-34-45.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magtiwala ka sa iyong sarili. Dati mo nang nakaharap nang mukhaan ang kabiguan, kaya ‘di ka na dapat makaramdam ng takot at pangamba. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-5-12-19-22-30-44.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tuluy-tuloy lang ang buhay kahit pa gaano kalakas ang pag-ulan. Kaya dapat tuluy-tuloy lang din ang mga pagsisikap mo kahit gaano pa karami ang mga pagsubok mo sa buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-14-26-31-38-40.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Dumating na ang pagkakataon para ipakita ang galing at husay mo sa pagpapatakbo ng mga tao. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-4-10-17-24-33-43.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi ka dapat huminto kahit pa sobrang nasisiyahan ka sa mga nangyayari sa buhay mo. Ituloy mo lang ang pagsisikap at paghahanda para sa iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-7-16-25-27-30-39.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sakyan mo lang ang sayaw ng iyong kapalaran; sa huli, matututunan mo ring kumilos ayon sa hinihingi ng pagkakataon. Sa ganitong paraan, gaganda ang buhay mo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-1-19-21-23-37-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dumadapo ang mga suwerte sa mga masayahing tao, at nilalayasan naman ng mga suwerte ang mga taong malulungkot. Ito ang gawin mong gabay ngayon. Masuwerteng kulay-dirty white. Tips sa lotto-3-18-20-28-32-42.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page