top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | Pebrero 28, 2024 (Miyekules)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Pebrero 28, 2024



Sa may kaarawan ngayong Pebrero 28, 2024 (Miyerkules): Hindi ka mauubusan ng mga suwerte dahil nakabantay sa iyo ang langit. Ito ang mensahe sa iyo ng iyong kapalaran.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Masuwerte ka at ang mga taong malalapit sa iyo ay susuwertehin din. Ang mga kontrabida at walang tiwala sa iyo ay makakaranas ng kamalasan sa kanilang kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-11-21-29-34-40.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mag-ipon ka muna ng mga kaalaman bago mo pasukin ang isang hanapbuhay. Masuwerteng kulay-old rose. Tips sa lotto-6-9-18-27-33-39.


GEMINI (May 21-June 20) - Magkikislapan ang mga pangyayari sa iyong harapan, baka maakit ka sa mga kislap na nagaganap ngayon at makalimutan mong maghanda para sa iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-14-23-26-31-35.


CANCER (June 21-July 22) - Hinihintay na ng langit ang iyong kahilingan. Huwag mo na itong palamutian ng kung anu-anong pananalita. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto- 1-13-27-30-34-40.


LEO (July 23-Aug. 22) - Pag-isipan mong mabuti ang mga bagay na pinaniniwalaan mo para hindi ka mabigo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-19-25-28-35-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mo palampasin ang mga naggagandahang pagkakataon. Ngayon mo kailangan bumuo ng isang magandang kinabukasan para sa iyo at sa mga mahal mo sa buhay. Masuwerteng kulay-purple.Tips sa lotto-5-16-20-29-36-44.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ipanatag mo ang iyong kalooban, kahit ang haring araw ay nawawala para mamahinga sa kanluran. Ang mga nararanasan mong ‘di maganda ay panandalian lang. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-15-22-33-39-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magparaya ka. Minsan mas magandang magparaya para makatanggap ka ng magandang regalo mula sa langit. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-6-15-21-36-45.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ipahinga mo ang iyong isip. Hindi lang ang iyong katawan ang napapagod. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-11-21-28-37-44.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang gasta nang gasta at tanggihan mo rin ang mga taong lumalapit sa iyo na ‘di naman marunong tumupad sa pangako. Sa madaling salita, ‘wag mong pautangin ang mga taong hindi marunong magbayad ng utang. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-18-27-33-38-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ihanda mo ang iyong sarili dahil hindi mabilang ang mga suwerte na magdaratingan sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-13-19-22-28- 34.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mas malakas ang balik ng mga suwerte kapag nakabuwelo. Ang suwerte ay namamahinga lang at muling nagpaparamdam. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-11-25-34-39-43.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page